Mom of three

Mom of three Personal

05/08/2026

Ang hirap kasama ng taong walang emotional intelligence. 👎 yung gusto mong mag open ng mga saloobin mo. sasabihin pa nila nagddrama ka lang. bakit kaya may mga ganyang tao no?

05/08/2026

Kung sino pa yung taong dapat nakakaintindi sa mga pinagdadaanan mo, yung dapat kakampi mo sa lahat ng bagay. Sila pa yung dimo maasahan sa ganitong oras na vulnerable ka at kailangan mo ng karamay.
Sad but heartbreakingly true 😔💔

03/08/2026

"ANG ARAW-ARAW KONG GAWAIN"

Nagtataka ako, maghapon nakong lagari sa mga gawaing bahay pero di parin ako matapos tapos at inaabot pako ng gabi 🤧 tapos naalala ko di lang pala gawaing bahay ang maghapon kong trabaho. may bunso akong toddler na di mapirmi sa isang lugar. Bawat segundo at Bawat sulok susundan mo habang naglilinis at nagluluto ka. Paliliguan at patutulugin mo. Sisiguraduhin mong malinis ang buong bahay buong araw. Pagka-hapon mag aasikaso ka ng mister na papasok ng graveyard shift. Pagka alis nya yung mga bata naman na kailangan i tutor sa pagbabasa ang aasikasuhin mo. At pag sinwerte kapa kung kelan tapos kana sana at magpapahing na, dun naman magigising ang bunso sa pagkakatulog at gising kayo magdamag. matutulog ulit ng midnight at gigising ng 3AM. Mag aalarm ang phone ng 4:30-5AM para sa dalawang estudyante. Mag aasikaso, paliliguan,bibihisan at papakainin bago umalis. Pagkahatid sa mga bata. Linis at konting ligpit sa bahay at iidlip ng kaunti tapos repeat ulit. Sa maghapong gawain. Hirap maging nanay 🥲 Yung iba, Akala nila marami kang time porket nasa bahay kalang. Ni wala silang idea pano nauubos ang 24hrs mo na walang maayos na pahinga. Sobrang nakakapagod 🥹 pero no choice eh nanay tayo! 🥲

13/05/2026

Sa mga kapwa ko parents,
Di tayo nag produce ng mga anak para maging retirement plan natin. Nandito po sila para bumuo sa atin bilang magulang at maging pamilya. Kaya lang po may iba talaga na makakapal ang mukha at ginagawang baldado ang sarili para ang anak nila ang mag provide para saknila. Habang sila nasa bahay at pahaya-hayahay lang. tandaan, hindi po kayo si JUAN TAMAD na maghapong naka nganga para lang antayin mahulog ang bayabas sa sariling bunganga. Wag po natin iasa sa mga anak natin ang lahat. May mga anak namang marunong tumanaw ng utang na loob at kusang tutulong sa magulang. Pero yung pilitin silang tumulong sa inyo sa kabila ng kawalan ng kakayahang pinansyal? MAHIYA NAMAN PO KAYO SA MGA SARILI NYO!

13/05/2026

Alam mo ang dapat na pinangalan sayo "JUAN TAMAD!
Kasi tamad kang maghanap buhay at gusto mo grasya na ang lumalapit sayo. Ano ka sineswerte? Sarap mo rin umbagin eh! 🙄

01/05/2026

Kapag talaga nanay at taong bahay ka nalang biglang nagiging simple at mababaw nalang ang kaligayahan. Nung working mom pa ako at very independent sa pagbili ng mga luho. katulad ng mga damit at mga abubot. Masaya naman ako, pero di ako nagi guilty sa pagbili kasi alam kong pinaghirapan ko yung ginagastos ko. Ngayon iba na, pag nakabili ka ng tag 50-100 na gamit pra sa sarili mo masayang masaya kana. May halong guilt pa kapag mataas dun sa price range mo yung nabili mo! 🥲 mapapa dalawang isip kapa. Pero yung mga anak at asawa mo nabilhan mo na higit pa dun sa kailangan nila 🥰 ganun siguro talaga pag nanay na, nagiging selfish pagdating sa sarili. Pero aminin nyo! Iba yung happiness kapag nabibilhan nyo yung buong pamilya nyo ng mga gusto nila especially pag di naman nila hinihingi pero alam nating kailangan or gusto talaga nila. gamit man yan o pagkain. Masaya sila pero higit kayong masaya para saknila ☺️🥰

💡🏠👩🏻

05/03/2026

In life, there are two things you must learn: first, don’t make promises when you are happy; and second, don’t make decisions when you are angry. 🙂

25/12/2025

Merry talaga ang christmas kapag magkaka sundo at maayos ang magpapamilya 🥰

24/12/2025

Yung pagod at puyat kana sa maghapon tapos kinabukasan maaga ka parin gigising?
(Body clock problems)Sino relate dyan? 😅

!

19/12/2025

Kapag feeling mo, nagkamali ka sa desisyon mo sa buhay at nandun kana sa edge na papa-give up kana. Huminga ka lang ng malalim at magdasal at balikan mo yung mga taong nag aantay sa pagbabalik mo. Tatanggapin at yayakapin ka ng mga yan. Ano pa man ang pagkakamaling nagawa mo sknila. Basta importante akuin mo yung pagkakamali mo at matuto kang magpakumbaba especially dun sa mga taong nasaktan mo. Its never too late.

Address

Angeles City
2009

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mom of three posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category