Sulong Tulong Pilipino

Sulong Tulong Pilipino Sulong Tulong Pilipino's page wants to help people to know the state or status of our country regarding the increase of poverty.

Also, gives awareness of how citizens makes action to end poverty.

Ang pagkakaroon ng access sa malinis na tubig ay isang malaking salik sa kapakanan ng Pilipinas. Hindi lamang ito kailan...
12/12/2021

Ang pagkakaroon ng access sa malinis na tubig ay isang malaking salik sa kapakanan ng Pilipinas. Hindi lamang ito kailangang ligtas na inumin, ngunit kailangan itong mas malapit sa mga tahanan ng mga tao. Bagama't karamihan sa mga nasa middle-class na mamamayan ay maaari lamang magbukas ng gripo para sa malinis na tubig na maibuhos, maraming mahihirap na pamilya ang gumugugol ng ilang oras sa paghahanap lamang ng tubig, at hindi ito palaging ganap na malinis. Ang pamumuhunan sa mga malinis na balon at sistema ng tubig ay hindi lamang masisiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan ng ating bansa ngunit maaari ding magbakante ng kanilang oras, na nagpapahintulot sa kanila na mas mahusay na makilahok sa ekonomiya.

08/12/2021

Karamihan sa ating mga pilipino ay namulat na ang solusyon sa kahirapan ay ang pagtatapos sa pag aaral. Ngunit sa kabila ng ganitong pag iisip, marami rin sa ating mga kababayan ay hindi kayang makapagtapos ng kanilang edukasyon, kaya naman mas pinipili nilang makapagtrabaho upang makatulong sa kanilang pamilya o maitaguyod ang kanilang mga sarili. Kung ating panghahawakan na ang edukasyon ang solusyon sa kahirapan, marahil kailangan na maging sapat muna ang pondo ng ating gobyerno, mas mapalaganap pa nila ang libreng matrikula o pag aaral para sa atin at ang pinansiyal na suporta upang matugunan ang ating pangangailangan. Sa kabila nito marapat ding itaas ng ating gobyerno ang ating ekonomiya at patas na pagtrato sa anumang antas na pamumuhay na mayroon sa isang pilipino.

03/12/2021

Tara tulungan

Ang pagbibigay ng tulong sa ating mga naghihirap at nangangailangan nating mga kapwa ay may malaking epekto at pagbabago...
01/12/2021

Ang pagbibigay ng tulong sa ating mga naghihirap at nangangailangan nating mga kapwa ay may malaking epekto at pagbabago sa kanilang buhay. Ang pagbibigay ng kahit kaonti o maliit na tulong ay malaking bagay na ito para makatulong sa kanilang mga pangangailangan lalo na sa kanilang pang araw araw. Maaring ika'y makatulong sa pamamagitan ng pagbibigay o pag dodonate ng iyong gustong halaga o bagay sa Charity o kaya fund raising na ang adhikain ay makatulong sa mga nangangailangan ng tulong o para sa mga mahihirap na mga tao. Sa paraang ito, maaari ka ng makatulong sa mga taong nangangailangan nito. Maliit man o malaki ito, ito parin ay makakatulong para sa mga nangangailangan lalo na't kapag ito'y pinagsama sama, ito ay magiging malaking tulong na pwedeng magpabago sa estado ng kanilang buhay.

Sulong EduKalidad may be a national exertion started by DepEd to address the challenge of giving quality essential instr...
30/11/2021

Sulong EduKalidad may be a national exertion started by DepEd to address the challenge of giving quality essential instruction. Sulong Edukalidad, the Education Chief Leonor Magtolis Briones' response to the government's key priority of providing access to quality education, is an endeavor to address the gaps in basic education and an effort to ensure that no Filipino learner would be left behind. Sulong EduKalidad centers on four forceful changes in fundamental instruction which is K to 12 educational modules survey and upgrade, Making strides learning environment, Instructors upskilling and reskilling, Engagement of partners for bolster and collaboration. Sulong Edukalidad, the Education Chief Leonor Magtolis Briones' response to the government's key priority of providing access to quality education, is an endeavor to address the gaps in basic education and an effort to ensure that no Filipino learner would be left behind.

Isa sa mga solusiyon upang makaahon sa kahirapan ay pagsusumikap sa buhay. Hindi  basehan ang pagkakaroon ng matalas na ...
24/11/2021

Isa sa mga solusiyon upang makaahon sa kahirapan ay pagsusumikap sa buhay. Hindi basehan ang pagkakaroon ng matalas na kaisipan upang makaalis sa kahirapan, isa sa mga kailangan natin ay ang pagiging madiskarte sa ating buhay at pagiging praktikal sa mga bagay bagay. Ang pagnanais natin na makaahon sa kinakaharap nating kahirapan ay nasa ating mga palad. Hindi dapat natin itong iasa sa ibang tao maging sa ating gobyerno. Marahil ay matutulungan nila tayo sa maliit na halaga, ngunit nasa atin pa rin ang ating magiging kinabukasan o ang susi upang tayo ay makaahon sa kahirapan.

Ang ating buhay ay parang mga agos sa karagatan, minsan matatangay nito ngunit 'wag nating hayaan na ang mga agos na ito ang mag kokontrol sa direksyon ng ating buhay. Kung minsan kailangan nating gumawa ng paraan upang mabago ang takbo o ang direksyon nito.

23/11/2021

Kahirapan paano nga ba masusulusyunan?
Alam nating lahat na sa bansa ay laganap ang kahirapan, nakalulungkot isipin na mas maraming naghihirap. Hindi talaga maii-awasan ang mga ganitong problema sa buhay pero maraming paraan upang umunlad.
Naiisip namin na kahit sa sobrang liit na bagay ay makatutulong na sa mga kapos tulad nang pagbibigay ng pagkain upang masulusyanan ang gutom. Mayroon naman na offer na magbigay ng kahit anong trabahong legal upang magkaroon ng kita or income ang ibang mamamayan.
Pagiging kapwa tao rin naman ang magiging sagot sa kahirapan. Walang maghihirap kung walang nagpapahirap.

Mayroong maraming katibayan na ang agrikultura ay maaaring mag-ambag sa pagbabawas ng kahirapan na higit sa direktang ep...
17/11/2021

Mayroong maraming katibayan na ang agrikultura ay maaaring mag-ambag sa pagbabawas ng kahirapan na higit sa direktang epekto sa kita ng magsasaka. Maaaring pasiglahin ng pag-unlad ng agrikultura ang pag-unlad ng ekonomiya sa labas ng sektor ng agrikultura, at humantong sa mas mataas na trabaho at paglikha ng paglago. Ang pagtaas ng produkto ng agrikultura ay nagpapataas ng kita ng mga sakahan, nagpapataas ng suplay ng pagkain, nagpapababa ng mga presyo ng pagkain, at nagbibigay ng mas malaking oportunidad sa trabaho sa parehong rural at urban na mga lugar.

Isa sa mga dahilan ng kahirapan ay ang napapanahong usapin ukol sa "Maagang pagbubuntis ng mga kababaihan". Ayon sa dato...
16/11/2021

Isa sa mga dahilan ng kahirapan ay ang napapanahong usapin ukol sa "Maagang pagbubuntis ng mga kababaihan". Ayon sa datos na aking nakalap habang tumatagal ang panahon ay mas dumarami ang mga kababaihang nabubuntis ng wala sa wastong edad, karamihan sa kanila ay nakatira lamang sa kalye. Dahil sa pagbubuntis ay nadadagdagan ang populasyong mayroon ang isang bansa, mayaman ka man o mahirap ito ay nakakaapekto sa sector ng isang gobyerno. Gayunpaman napapalagay namin na habang tumataas ang populasyon, nadadagdagan din ang bilang ng mga naghihirap.
Bilang isang Youth advocate mahalaga ang pagsasagawa ng mga pagpupulong na nagbibigay ng tama at sapat na impormasyon patungkol sa kinikilalala nating salita na "pagtatalik". Ito ay makakatulong para bigyang kamalayan ang lahat ng kabataang may kuryusidad sa nasabing usapin. Isa ito sa mga mabibisang paraan, hindi man agad agad masugpo ang kahirapan maari naman itong mabawasan.


More than half a million people of this population live homeless every single day. People such as veterans, adults, youn...
08/11/2021

More than half a million people of this population live homeless every single day. People such as veterans, adults, young adults, and even children suffer from living on the streets. What we can try to do is get more money out to those who truly need it, like the homeless!!!

ctto ✨

Dahil sa kahirapan karamihan sa ating kababayan ay napipilitang gumawa ng masasamang bagay o krimen para lamang makatawi...
01/11/2021

Dahil sa kahirapan karamihan sa ating kababayan ay napipilitang gumawa ng masasamang bagay o krimen para lamang makatawid sa gutom at makabili ng maayos na kasuotan. Kahirapan ang nagtuturo sa atin gumawa ng mga masasamang bagay. Nang dahil rin sa kahirapan nagsisimula ang mga hindi magagandang pangyayari sa ating bansa. Sa tingin nila ang solusyon sa hirap na kanilang pinagdadaanan ay ang pagnanakaw, pang ho-holdap, pag kidnap at iba pa, kapalit ng pera at pagkain. Hindi naman natin masisisi ang mga taong napipilitang gumawa ng mga ganitong bagay dahil na rin sa hirap ng kanilang buhay. Pero palagi nating tandaan na hindi natin kasalanan na pinanganak tayong mahirap pero kasalanan natin kung mamamatay tayong mahirap at walang napatunayan sa ating buhay.

Hindi man nagiging madali ang mga hamon sa ating buhay ngunit palagi nating piliin na gumawa ng mabuti. Dahil hindi nagiging solusyon sa ating kahirapan ang pag gawa ng isang kasalanan.

Ang pagbibigay nang marangal at sapat na trabaho para sa pang araw araw na pangangailangan at gastusin ng ating mga mahi...
30/10/2021

Ang pagbibigay nang marangal at sapat na trabaho para sa pang araw araw na pangangailangan at gastusin ng ating mga mahihirap o naghihirap na mamamayan natin lalo na ngayong dumaranas tayo ng pandemya. Sa paraang ito, makakatulong tayo ng malaki para sa kaninang pang araw araw na pangangailangan. Ang pag bibigay ng maayos na trabaho sa mga mahihirap ay makakatulong sa pagbaba ng unemployed people na kung saan, dumadagdag sa mga naghihirap dahil walang sapat na trabaho sa kadahilanang hindi nakapag tapos ng pag aaral o kakulangan sa edukasyon.

Address

Bacoor
4102

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sulong Tulong Pilipino posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category