IBABA BHS

IBABA BHS HARDWORKING

ALAM NIYO BA?Buwan na naman ng Vitamin A supplementation ngayong Oktubre, kung kaya't paanyaya ng Bataan Provincial Heal...
10/10/2025

ALAM NIYO BA?
Buwan na naman ng Vitamin A supplementation ngayong Oktubre, kung kaya't paanyaya ng Bataan Provincial Health Office na dalhin ang inyong mga anak na 6-59 na buwang gulang sa pinakamalapit na barangay health station sa inyong lugar para makatanggap ng vitamin A drops, gayundin sa mga kapapanganak na nanay.

Isa sa karaniwang problemang pang-nutrisyon dito sa Pilipinas ay ang Vitamin A deficiency na nagdudulot ng pagkahina ng ating katawan sa paglaban nito sa impeksyon, pagbagal ng paglaki ng mga bata at ng development ng ilang mga organo. Sa mga pagkakataon namang hindi agad mabibigyang pansin, ito ay maaaring mauwi sa pagkabulag at kamatayan.

Huwag balewalain ang nutrisyon para sa malakas at maayos na paggana ng bawat organo sa ating katawan. Patuloy ding sundin ang Pinggang Pinoy at ang 10 Kumainments. Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang masiglang komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.


PAALALA: Dulot ng mga naidagdag na bilang ng kaso ng HFMD sa Central Luzon, muling pinaaalalahanan ng Bataan Provincial ...
10/10/2025

PAALALA: Dulot ng mga naidagdag na bilang ng kaso ng HFMD sa Central Luzon, muling pinaaalalahanan ng Bataan Provincial Health Office ang lahat na sanayin ang mga batang maghugas ng kamay; gayundin, pinapayuhan ang mga nakatatanda na ugaliin ang paghuhugas ng kamay bago at pagkatapos hawakan ang mga bata, at pag-disinfect ng mga gamit na madalas hinahawakan.

Ang HFMD o Hand, Foot, and Mouth Disease ay kadalasang dumadapo sa mga nasa edad 10 pababa, ngunit may mga pagkakataon din na pati ang mga matatanda ay dinadapuan nito. Nakahahawa ang sakit na ito, at ang mga sintomas ay:

-Lagnat
-Pagkawala ng ganang kumain at uminom ng tubig
-Pagsakit ng lalamunan
-Pagkakaroon ng mga pantal sa palad ng mga kamay at talampakan ng paa, pati na sa puwitan at sa maselang bahagi ng katawan; at
-Pagkakaroon ng singaw sa bibig

Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang ligtas at malusog na komunidad.


Paanyaya po na kung sinu man po sa inyo ang may anak na 6-59 months maaring mag punta lamang po kayo sa ating center sa ...
08/10/2025

Paanyaya po na kung sinu man po sa inyo ang may anak na 6-59 months maaring mag punta lamang po kayo sa ating center sa brgy. Ibaba para mapatakan ang inyong mga anak. Maraming Salamat po!

Isa sa karaniwang problemang pang-nutrisyon dito sa Pilipinas ay ang Vitamin A deficiency na nagdudulot ng pagkahina ng ating katawan sa paglaban nito sa impeksyon, pagbagal ng paglaki ng mga bata at ng development ng ilang mga organo. Sa mga pagkakataon namang hindi agad mabibigyang pansin, ito ay maaaring mauwi sa pagkabulag at kamatayan.

Huwag balewalain ang nutrisyon para sa malakas at maayos na paggana ng bawat organo sa ating katawan. Patuloy ding sundin ang Pinggang Pinoy at ang 10 Kumainments. Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang masiglang komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.

MOBILE BLOOD DONATION DRIVE🩸 Give the gift of life — Donate Blood! 🩸Join us on October 17, 2025 (Friday)📍 Pag-asa Covere...
07/10/2025

MOBILE BLOOD DONATION DRIVE

🩸 Give the gift of life — Donate Blood! 🩸

Join us on October 17, 2025 (Friday)
📍 Pag-asa Covered Court
🕘 9:00 AM – 3:00 PM

Hosted by Barangays Pag-asa, Ibaba, Tabing Ilog, and Ibis

This is your chance to help save lives! Everyone is welcome and encouraged to participate. 💖

👉 Be a hero, donate blood.

07/10/2025

ALAM NIYO BA?
Kinikilala ang unang linggo ng Oktubre kada taon bilang National Newborn Screening Week.

Ang newborn screening (NBS) ay isang pagsusuri na isinasagawa sa mga sanggol makalipas ang 24 oras pagkapanganak. Ito ay upang malaman kung ang sanggol ay mayroong congenital metabolic disorder na maaaring maging sanhi ng mental retardation o maagang pagkamatay.

Bukod pa rito ay mayroon pang mahigit 29+ metabolic at iba pang congenital disorders ang maaaring malaman sa NBS. Ito ang dahilan kung bakit importante na ang lahat ng sanggol ay dapat sumailalim sa NBS nang sa ganon ay mabigyan ng agarang aksyong medikal sakali mang positibo siya sa congenital metabolic disorders; at nang maagapan din ang maagang pagkamatay.

Kung kaya't ngayong National Newborn Screening Week, nais ipaalala ng Bataan Provincial Health Office na bigyang halaga at ibahagi sa mga kakilala ang importansya ng NBS.

"Nay, Tay, Ipa-Newborn Screening n'yo ko ha". Iligtas si baby mula sa mental retardation at maagang pagkamatay. Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang masayang at malusog na komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.


01/10/2025

ALAM NIYO BA?
Ipinagdiriwang ngayong araw, ika-10 ng Setyembre, ang Su***de Prevention Day. Dahil dito, ipinapayo ng Bataan Provincial Health Office na maging bahagi ng isang komunidad na nagdadamayan. Alamin ang mga babala; magtatanong at makikinig; at humingi agad ng propesyonal na tulong.

Tandaan, may kabuluhan ang nararamdaman ng bawat isa. Ang pakiramdam mo ay singhalaga ng pakiramdam ko. Maging mapagmatyag, magbigay ng oras upang makinig.

Sama-sama tayo sa pagkamit ng isang ligtas at masayang komunidad para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.


Vitamin A Supplementation 2nd round
01/10/2025

Vitamin A Supplementation 2nd round

01/10/2025
MOBILE BLOOD DONATION DRIVE🩸 Give the gift of life — Donate Blood! 🩸Join us on September 26, 2025 (Friday)📍 Pag-asa Cove...
08/09/2025

MOBILE BLOOD DONATION DRIVE

🩸 Give the gift of life — Donate Blood! 🩸

Join us on September 26, 2025 (Friday)
📍 Pag-asa Covered Court
🕘 9:00 AM – 3:00 PM

Hosted by Barangays Pag-asa, Ibaba, Tabing Ilog, and Ibis

This is your chance to help save lives! Everyone is welcome and encouraged to participate. 💖

👉 Be a hero, donate blood.

08/09/2025

ALAM NIYO BA?
Ngayong July 2025 ang ika-51 anibersaryo ng selebrasyon ng National Nutriton Month na may temang "Food at Nutrition Security, Maging Priority: Sapat na Pagkain, Karapatan Natin!", at ito'y umiikot pa rin sa tema ng 2023-2028 na "Sa PPAN: Sama-sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat!".

Kasama ang buong Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan, nakikiisa ang Bataan Provincial Health Office sa pagdiriwang na ito. Gayundin, hinihikayat ang lahat na makiisa sa mga programa at mga polisiyang ipinatutupad upang makamit ang seguridad sa masustansyang pagkain at tuluyang mapababa ang malnutrisyon dito sa Lalawigan ng Bataan.

Tandaan, ang laban sa malnutrisyon ay makakamit kung ang lahat ng sektor ng pamayanan ay sasali sa epektibong pagpapatupad ng mga programa't polisiya para sa pagkamit ng sapat na produksyon ng masusustansyang pagkain.

Dapat din nating isaalang-alang na hindi basta "pagkain" lang ang isa sa mga pangunahing pangangailangan ng tao kundi dapat ay "masustansyang pagkain". Karapatan din ng isang tao na makatiyak sa access ng sapat na suplay ng masustansyang pagkain at malinis na tubig.

Suportahan ang mga ipinatutupad na ordinansa dito sa Bataan, sama-sama nating gawing prayoridad ang seguridad sa masustansyang pagkain para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.


Address

BARANGAY IBABA
Bagac
2107

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when IBABA BHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category