20/11/2024
𝐓𝐈𝐆𝐍𝐀𝐍: 𝐂𝐚𝐧𝐝𝐚𝐛𝐚 𝟑𝐫𝐝 𝐕𝐢𝐚𝐝𝐮𝐜𝐭 𝐈𝐧𝐬𝐩𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐈𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚
Pinangunahan ang naturang project inspection ni NLEX Corporation President at GM J. Luigi L. Bautista kasama sina Pampanga 4th District Representative Anna York Bondoc, San Simon Mayor Abundio Punsalan Jr., Pulilan Mayor Ma. Rosario Montejo, Pulilan Vice Mayor Rolando Peralta, Apalit Vice Mayor. Pedro Nucom at ng Sangguniang Bayan ng Apalit, Pampanga Provincial Administrator Atty. Charlie Chua (representative of Gov. Dennis Pineda), and Atty. Nikki Coronel, Chief of Staff of Gov. Daniel Fernando.
Ang Candaba 3rd Viaduct ay may habang limang kilometro na itinatayo sa pagitan ng dalawang tulay na nag-uugnay sa mga bayan ng Pulilan, Bulacan at Apalit, Pampanga. Ito ay inaasahang makapaghahatid ng mas convenient at mas ligtas na biyahe sa mga motorista.
Mabubuksan ang buong Candaba 3rd Viaduct sa susunod na buwan bago sumapit ang holiday season, mas maaga ng apat na buwan sa itinakdang target completion nito.
CTO https://www.facebook.com/NLEXexpressways?mibextid=ZbWKwL