22/09/2026
Minsan, gusto natin sigurado muna ang result bago tayo kumilos..
Gusto natin sure na bibili si client bago mag-follow up.
Sure na may commission bago sipagan.
Sure na magwo-work bago magsimula.
Sure na may return bago mag-invest ng time and effort.
Pero hindi naman ganun ang buhay.
Hindi mo kontrolado kung ano ang magiging resulta.
Hindi mo hawak kung mag-yes ang client.
Hindi mo hawak kung kailan darating ang breakthrough.
Hindi mo hawak kung magiging successful agad ang ginagawa mo.
Pero may isang bagay kang hawak:
Kung gagalaw ka o hindi.
Pwede kang maghintay ng perfect timing.
Pwede mong sabihin na mahirap ang market.
Pwede mong sisihin ang competition.
Pwede mong sabihin na โbaka hindi pa para sa akin.โ
Pero habang nag-iisip ka kung sulit ba magtanim, may ibang tao nang nagtatanim.
And eventually, darating ang harvest season.
Hindi lahat ng itinanim mo tutubo. That's part of the game.
Pero one thing is certain:
Walang aanihin ang taong walang itinanim.
Kaya don't obsess over the outcome.
Focus on the action you can take today.
Make the call. Send the message. Follow up. Learn. Show up. Try again.
Baka hindi mo pa nakikita ang bunga ngayon.
Pero keep planting.