Mama Mary

Mama Mary God is love.

Amen
21/05/2026

Amen

🙏❤️🙏
21/05/2026

🙏❤️🙏

Daily Gospel TagalogHuwebes, Mayo 21, 2026Huwebes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhayo kaya Paggunita kay San Kristof...
21/05/2026

Daily Gospel Tagalog

Huwebes, Mayo 21, 2026

Huwebes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

o kaya Paggunita kay San Kristofero Magallanes, pari at martir, at mga Kasama, mga martir
o kaya Paggunita kay San Eugenio de Mazenod, obispo

Mga Gawa 22, 30; 23, 6-11
Salmo 15, 1-2a at 5. 7-8. 9-10. 11

D’yos ko, ang aking dalangi’y
ako’y iyong tangkilikin.

Juan 17, 20-26

Thursday of the Seventh Week of Easter (White)

or Optional Memorial of St. Christopher Magallanes, Priest and Companions, Martyrs (Red)

or Optional Memorial of St. Eugene de Mazenod, Bishop (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 22, 30; 23, 6-11

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, ibig matiyak ng pinuno kung ano nga ang sakdal ng mga Judio laban kay Pablo, kaya’t pinagpulong niya kinabukasan ang mga punong saserdote at ang buong Sanedrin, saka kinalagan si Pablo, ipinanaog at iniharap sa kanila.

Alam ni Pablo na doo’y may mga Saduseo at Pariseo, kaya’t sinabi niya nang malakas, “Mga kapatid, ako’y Pariseo, anak ng mga Pariseo. Dahil sa pag-asa kong muling mabubuhay ang mga patay ako’y nililitis ngayon.” Matapos itong sabihin ni Pablo, nagtalu-talo ang mga Pariseo at ang mga Saduseo, at nahati ang kapulungan. Sapagkat ang sabi ng mga Saduseo, hindi muling mabubuhay ang mga patay at walang anghel o espiritu, subalit ang mga Pariseo nama’y naniniwala sa lahat ng ito. At lumakas ang kanilang sigawan. Tumindig ang ilan sa mga eskribang kapanig ng mga Pariseo at malakas na tumutol. “Wala kaming makitang pagkakasala ng taong ito. Ano kung may isang espiritu o isang anghel na nagsalita sa kanya?”

At nang maging mainitan na ang kanilang pagtatalo, natakot ang pinuno na baka lurayin nila si Pablo, kaya’t pinapanaog niya ang mga kawal, ipinakuha si Pablo at ipinapasok sa kuta.

Kinagabihan, tumayo ang Panginoon sa tabi ni Pablo at sinabi sa kanya, “Lakasan mo ang iyong loob! Nagpatotoo ka tungkol sa akin dito sa Jerusalem; ganyan din ang gawin mo sa Roma.”

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 15, 1-2a at 5. 7-8. 9-10. 11

D’yos ko, ang aking dalangi’y
ako’y iyong tangkilikin.

o kaya: Aleluya!

O Diyos, ako’y ingatan mo, ingatan ang iyong lingkod,
ang hangad ko ay maligtas kaya sa ‘yo dumudulog;
“Ika’y aking Panginoon,” ang wika ko sa aking Diyos,
“Kabutihang tinanggap ko, ay ikaw ang nagkaloob.”
Ikaw lamang, O P**n ko, ang lahat sa aking buhay,
ako’y iyong tinutugon sa lahat kong kailangan.

D’yos ko, ang aking dalangi’y
ako’y iyong tangkilikin.

Pinupuri ko ang P**n na sa akin ay patnubay.
Kahit gabi diwa niya ang sa aki’y umaakay.
Nababatid ko na siya’y kasama ko oras-oras.
Sa piling n’ya kailanma’y hindi ako matitinag.

D’yos ko, ang aking dalangi’y
ako’y iyong tangkilikin.

Kaya’t ako’y nagdiriwang, ang diwa ko’y nagagalak.
Ang lagi kong nadarama’y hindi ako matitinag.
Pagkat di mo tutulutang ang mahal mo ay malagak,
sa balon ng mga patay upang doon ay maagnas.

D’yos ko, ang aking dalangi’y
ako’y iyong tangkilikin.

Ituturo mo ang landas na buhay ang hahantungan,
sa piling mo’y madarama ang lubos na kagalakan;
Ang tulong mo’y nagdudulot ng ligayang walang hanggan.

D’yos ko, ang aking dalangi’y
ako’y iyong tangkilikin.

ALELUYA
Juan 17, 21

Aleluya! Aleluya!
Lahat nawa’y magkaisa
kay Kristo at sa D’yos Ama
nang tana’y sumampalataya.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 17, 20-26

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, tumingala si Hesus at nanalangin, “Amang banal, hindi lamang ang aking mga alagad ang idinadalangin ko, kundi pati ang mga mananalig sa akin dahil sa kanilang pahayag. Maging isa nawa silang lahat, Ama. Kung paanong ikaw ay nasa akin at ako’y nasa iyo, gayun din naman, maging isa sila sa atin upang maniwala ang sanlibutan na ikaw ang nagsugo sa akin. Ang karangalang ibinigay mo sa akin ay ibinigay ko sa kanila upang sila’y ganap na maging isa, gaya nating iisa: ako’y nasa kanila at ikaw ay nasa akin, upang lubusan silang maging isa. At sa gayun, makikilala ng sanlibutan na sinugo mo ako, at sila’y iniibig mo katulad ng pag-ibig mo sa akin.”

“Ama, nais kong makasama sa aking kinaroroonan ang mga ibinigay mo sa akin, upang mamasdan nila ang karangalang bigay mo sa akin, sapagkat inibig mo na ako bago pa nilikha ang sanlibutan. Makatarungang Ama, hindi ka nakikilala ng sanlibutan, ngunit nakikilala kita; at nalalaman ng mga ibinigay mo sa akin na ikaw ang nagsugo sa akin. Ipinakilala kita sa kanila, at ipakikilala pa, upang ang pag-ibig mo sa akin ay sumapuso nila at ako nama’y sumakanila.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Reynald Perez
PAGNINILAY:
Kung ating babalikan ang Ebanghelyo ngayon, ang pinakamagandang pahayag dito ni Hesus ay “Maging ISA nawa silang lahat” (Juan 17:21). Itong pahayag ang naging inspirasyon sa pagsulat ni Papa San Juan Pablo II sa kanyang ensiklikal na pinamagatang “Ut Unum Sint,” na ang layunin ay magkaisa ang lahat ng mga Kristiyano. Kaya pala ang taong 2020 ay itinalaga ng ating lokal na Simbahan bilang “Taon ng Ekumenismo, Diyalogo sa iba’t ibang Relihiyon, at Katutubong Mamamayan”. Tuwing ika-18 hanggang ika-25 ng Enero, itinalaga ng buong Simbahang Katolika bilang Linggo ng Panalangin para sa Pagkakaisa ng mga Kristiyano. At sa buong Simbahan din, patuloy ang mga gawain upang isulong ang kapayapaan at pagkakaisa sa pagitan ng lahat ng mga Kristiyano at iba pang kasapi ng ibang relihiyon. Ngunit kailangan nating iklaro ang ang layunin ito ay hindi upang mawalay sa katotohanang ang ating Simbahan ay ang tunay na itinatag si Hesukristo. Kundi ang nais nating gawin ay makipag-usap at makipag-ugnayan sa mga kapatid nating humiwalay sa Deposito ng Pananampalataya. Kahit mahirap ipanumbalik sila pauwiin sa pagiging Katoliko, ang dapat nating bigyang pansin ngayon ay ang pagkakaroon ng maayos ng relasyon sa kanila.

Sa kabila ng pagkakaiba ng mga paniniwala at tradisyon ng bawat denominasyon, mahalaga na ipakita natin bilang mga tunay na Katoliko sa ating mga kapatid ang pagkakilanlan ng Kristiyanismo: ang pag-ibig. At kung babalikan natin ang Ebanghelyo, ito yung panalangin ni Hesus sa Ama nating Diyos na tayo’y magkaisa upang tayo’y kanyang ingatan hanggang makamit natin ang kaligayahan ng buhay na walang hanggan. Bukod pa rito, ang paanalangin din ni Hesus ay ang pagkakilala ng buong sanlibutan sa Ama nating Diyos, katulad ng pagkilala niya sa Ama. Kaya ito ay hamon sa atin bilang mga Kristiyanong Katoliko, na sa ating pakikipag-isa sa ating kapwang Kristiyano, pa’no pa kaya ang ating pakikipagtungo sa ibang tao na may ibang paniniwala at relihiyon?

Daily Gosepl TagalogMiyerkules, Mayo 20, 2026Miyerkules sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhayo kaya Paggunita kay San B...
19/05/2026

Daily Gosepl Tagalog

Miyerkules, Mayo 20, 2026

Miyerkules sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

o kaya Paggunita kay San Bernardino ng Siena, pari

Mga Gawa 20, 28-38
Salmo 67, 29-30. 33-35a. 35b.-36k

Tanang mga kaharian,
ang P**ng D’yos ay awitan.

Juan 17, 11b-19

Wednesday of Seventh Week in Easter (White)

or Optional Memorial of St. Bernadine of Siena, Priest (White)

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 20, 28-38

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol

Noong mga araw na iyon, sinabi ni Pablo sa matatanda ng simbahan ng Efeso: “Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang lahat ng kabilang sa kawan, sapagkat inilagay sila ng Espiritu Santo sa inyong pag-iingat. Pangalagaan ninyo ang simbahan ng Diyos, na kanyang tinubos sa pamamagitan ng kamatayan ng kanyang sariling Anak. Alam kong pagkaalis ko’y magsisipasok ang mababangis na asong-gubat at walang patawad na sisilain ang kawan. Mula na rin sa inyo’y lilitaw ang mga taong magsasalita ng kasinungalingan upang mapasunod ang mga alagad, at sa gayo’y mailigaw sila. Kaya’t mag-ingat kayo, at alalahanin ninyong tinuruan ko kayo gabi’t araw sa loob ng tatlong taon — at maraming luha ang pinuhunan ko.”

“At ngayo’y itinatagubilin ko kayo sa Diyos at sa kanyang salita na nagpapahayag ng kanyang kagandahang-loob. Siya ang makapagpapatibay sa inyo at makapagbibigay ng lahat ng pagpapalang inilaan niya sa lahat ng kanyang pinapaging-banal. Hindi ko hinangad ang pilak, ginto o pananamit ninuman. Alam ninyong nagbanat ako ng buto upang kumita ng ikabubuhay naming magkakasama. Sa lahat ng pagkakataon, ipinakita ko sa inyo na sa pamamagitan ng ganitong pagpapagal ay dapat ninyong tulungan ang mahihirap. Alalahanin ang mga salita ng Panginoong Hesus: ‘Higit na mapalad ang magbigay kaysa tumanggap.’”

Pagkasabi nito, lumuhod si Pablo at nanalanging kasama nila. Silang lahat ay umiiyak at hinagkan si Pablo. Labis nilang ikinalungkot ang kanyang sinabing siya’y hindi na nila makikita uli. At siya’y inihatid nila sa barko.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 67, 29-30. 33-35a. 35b-36k

Tanang mga kaharian,
ang P**ng D’yos ay awitan.

o kaya: Aleluya!

Sana’y iyong ipadama ang taglay mong kalakasan,
ang lakas na ginamit mo noong kami’y isanggalang.
Magmula sa Jerusalem, sa iyong tahanang templo,
na pati ang mga hari doo’y naghahandog sa iyo.

Tanang mga kaharian,
ang P**ng D’yos ay awitan.

Umawit sa Panginoon ang lahat ng kaharian,
awitan ang pagpupuri’t ang P**n ay papurihan!
Purihin ang naglalakbay sa matandang kalangitan;
mula roo’y maririnig ang malakas niyang sigaw!

Tanang mga kaharian,
ang P**ng D’yos ay awitan.

Ipahayag ng balana ang taglay na kalakasan,
siya’y hari ng Israel, maghahari siyang tunay;
‘yang taglay niyang lakas ay buhat sa kalangitan.
Kahanga-hanga ang Diyos sa santwaryo niyang banal,
siya ang Diyos ng Israel na sa tana’y nagbibigay
ng kapangyariha’t lakas na kanilang kailangan.

Tanang mga kaharian,
ang P**ng D’yos ay awitan.

ALELUYA
Juan 17, 17b. a

Aleluya! Aleluya!
Amang D’yos ni Hesukristo,
ang salita mo’y totoo,
kami ay pabanalin mo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Juan 17, 11b-19

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, si Hesus ay tumingala sa langit, nanalangin at ang wika: “Amang banal, ingatan mo sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan, pangalang ibinigay mo sa akin, upang sila’y maging isa, kung paanong tayo’y iisa. Habang kasama nila ako, iningatan ko sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalang ibinigay mo sa akin. Inalagaan ko sila at ni isa’y walang napahamak, liban sa taong humanap ng kanyang kapahamakan, upang matupad ang Kasulatan. Ngunit ngayon, ako’y papunta na sa iyo; at sinasabi ko ito habang ako’y nasa sanlibutan upang mapuspos sila ng aking kagalakan. Naibigay ko na sa kanila ang iyong salita; at kinapootan sila ng sanlibutan, sapagkat hindi na sila makasanlibutan, tulad kong hindi makasanlibutan. Hindi ko idinadalanging alisin mo sila sa sanlibutan, kundi iligtas mo sila sa Masama! Hindi sila makasanlibutan, tulad kong hindi makasanlibutan. Italaga mo sila sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo’y katotohanan. Kung paanong sinugo mo ako sa sanlibutan, gayun din naman, sinusugo ko sila sa sanlibutan. At alang-alang sa kanila’y itinalaga ko ang aking sarili, upang maitalaga rin sila sa pamamagitan ng katotohanan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Reynald Perez
PAGNINILAY:
Habang tayo’y lumalapit sa Dakilang Kapistahan ng Pentekostes, na siya namang katapusan ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, ang tumatak na salita sa ating Ebanghelyo ngayon ay “pagtatalaga” (“consecration” sa Wikang Ingles”). Kadalasan naririnig natin ang salitang “pagtatalaga” o “consecration” sa mga gawain ng Simbahan. Sa mga panalangin, mayroong pagtatalagang ginaganap sa karangalan ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus at ng Kalinis-linisang Puso ni Maria. Sa Misa, itong tinatawag nating Konsagrasyon ay ang pinakamahalagang bahagi sa liturhiya, na kung saan ang tinapay at alak na itinataas ng Pari ay nagiging tunay na Katawan at Dugo ni Kristo [sacramental presence]. Kaya makikita natin ang kahalagahan ng pagtatalaga ay upang ilapit natin ang ating sarili patungo sa Diyos sa pamamagitan ng mga banal na misteryo na ipinagdiriwang ng Simbahan at sa pamamagitan din ng mga panalangin ng ating Inang si Maria.

Ang ating Ebanghelyo ay ang panalangin ni Hesus sa Ama para sa kanyang mga alagad. N’ung panahong iyon, malapit nang maihayag ang kaluwalhatian nito sa pamamagitan ng Pagpapakasakit, Pagkamatay, at Muling Pagkabuhay ni Kristo. Kaya ipinapanalangin ni Hesus sa Diyos nawa’y ingatan ang kanyang mga hinirang at italaga sila sa katotohanang dala ng salita ng buhay. Tayo ay itinatalaga niya sa Ama upang mas mapalapit tayo sa Diyos na patuloy na nagmamahal sa atin. Kung paano sinusugo ng Diyos Ama ang Diyos Anak, ganun rin tayo isinusugo upang magbunga ng magagandang ani mula sa ating kabuhayan at pananampalataya. Ito yung misyon na kailangan nating tuparin bilang miyembro ng Sambayanan ng Diyos.

At ito rin ang paalala ni San Pablo sa mga namumuno sa Efeso na ingatan nila ang Simbahan ng Diyos na tinubos sa pamamagitan ng Dugo ni Kristo. At ang Simbahang ito na kinabibilangan natin ay tunay ngang itinayo ni Hesus upang hindi manaig man ang anumang kapangyarihan ng kadiliman. At kahit may nais ang-angkin na ang kanyang relihiyon ay tunay, samantala ang iba ay mali, hindi pa rin matitinag ang pangako ng Diyos sa kanyang mga tunay na hinirang. Kung palagi natin siyang nakikilala sa pamamagitan ng pagninilay ng Salita at pagdalo sa Misa, nawa’y italaga natin ang ating mga puso’t isipan sa kanya upang manindigan tayo sa katotohanang patuloy niyang ipinapahayag sa atin.

Daily Gospel TagalogMAYO 19, 2026 - MARTES Martes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay  Mga Gawa 20, 17-27 Salmo 67, 1...
18/05/2026

Daily Gospel Tagalog

MAYO 19, 2026 - MARTES
Martes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay

Mga Gawa 20, 17-27
Salmo 67, 10-11. 20-21
Tanang mga kaharian,
ang P**ng D’yos ay awitan.
Juan 17, 1-11a

Memorial of St. Charles Lwanga and Companions, Martyrs (Red)
Mga Pagbasa mula sa
Martes sa Ika-7 Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay


UNANG PAGBASA
Mga Gawa 20, 17-27

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng Mga Apostol
Noong mga araw na iyon, mula sa Mileto, si Pablo’y nagpasugo sa Efeso at ipinatawag ang matatanda sa simbahan roon. Pagdating nila ay kanyang sinabi:
“Nalalaman ninyo kung paano ko ginugol ang buong panahong ipinamalagi ko sa inyo, mula nang unang araw na ako’y tumuntong sa Asia. Buong pagpapakumbaba akong naglingkod sa Panginoon at lumuluhang nagtiis ng maraming pagsubok dahil sa mga pagtatangka ng mga Judio. Hindi ako nangiming magsabi sa inyo ng anumang ikabubuti ninyo sa aking pagtuturo at pangangaral sa inyo, maging sa hayagan at sa bahay-bahay. Ipinangaral ko maging sa mga Judio at sa mga Griego na dapat nilang talikdan ang kanilang kasalanan at manumbalik sa Diyos, at manalig sa ating Panginoong Hesukristo. Ngayon sa utos ng Espiritu, ako’y pupunta sa Jerusalem, at hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin doon. Ito lamang ang aking alam: sa bawat bayang dinalaw ko, ipinahayag sa akin ng Espiritu Santo na ang naghihintay sa akin doo’y pagkabilanggo at kapighatian. Subalit walang halaga sa akin ang aking buhay, maganap ko lamang ang aking tungkulin at matapos ang gawaing ibinigay sa akin ng Panginoong Hesus — ang pagpapahayag ng Mabuting Balita tungkol sa kagandahang-loob ng Diyos.”
“Nakisalamuha ako sa inyo samantalang nangangaral ako tungkol sa paghahari ng Diyos. Ngayon, alam kong hindi na ninyo ako makikitang muli. Kaya’t sa araw na ito’y sinasabi ko: hindi ako ang mananagot kung mapahamak ang sinuman sa inyo. Sapagkat ipinahayag ko ang lahat ng nilalayon ng Diyos para sa inyo; wala akong inilingid na anuman.”
Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 67, 10-11. 20-21

Tugon: Tanang mga kaharian,
ang P**ng D’yos ay awitan.
o kaya: Aleluya.

Dahil sa ’yo, yaong ulang masagana ay pumatak,
lupain mong natuyo na’y nanariwa at umunlad.
At doon mo pinatira yaong iyong mga lingkod,
ang mahirap nilang buhay sa biyaya ay pinuspos.
Tugon: Tanang mga kaharian,
ang P**ng D’yos ay awitan.

Purihin ang Panginoon, ang Diyos nating nagliligtas
at may dala araw-araw, ng pasanin nating hawak.
Ang ating Diyos ay isang Diyos na ang gawa ay magligtas,
ang Diyos ang Panginoon, Panginoon nating lahat!
Sa bingit ng kamataya’y hinahango tayo agad.
Tugon: Tanang mga kaharian,
ang P**ng D’yos ay awitan.


ALELUYA
Juan 14, 16
Aleluya! Aleluya!
Hihilingin ko sa Ama
Espiritu’y isugo n’ya
upang sumainyo t’wina.
Aleluya! Aleluya!


MABUTING BALITA
Juan 17, 1-11a

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, tumingala si Hesus sa langit at ang wika, “Ama, dumating na ang oras: parangalan mo ang iyong Anak upang maparangalan ka naman niya. Sapagkat pinagkalooban mo siya ng kapangyarihan sa sangkatauhan, upang magbigay ng buhay na walang hanggang sa lahat ng ibinigay mo sa kanya. Ito ang buhay na walang hanggan: ang kilalanin ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at si Hesukristo na iyong sinugo. Inihayag ko rito sa lupa ang iyong karangalan; natapos ko na ang ipinagagawa mo sa akin. Kaya, Ama, ipagkaloob mo sa akin ngayon ang karangalang taglay ko sa piling mo bago pa likhain ang sanlibutan.”
“Ipinakilala kita sa mga taong ibinigay mo sa akin mula sa sanlibutan. Sila’y iyo; ibinigay mo sila sa akin, at tinupad nila ang iyong salita. Ngayo’y alam na nilang mula sa iyo ang lahat ng ibinigay mo sa akin; sapagkat itinuro ko sa kanila ang lahat ng aking nabatid sa iyo at tinanggap naman nila. Natitiyak nilang ako’y galing sa iyo, at naniniwala silang ikaw nga ang nagsugo sa akin.”
“Idinadalangin ko sila, hindi ang sanlibutan kundi ang lahat ng ibinigay mo sa akin, sapagkat sila’y iyo. Ang lahat ng sa akin ay iyo, at ang lahat ng iyo ay akin; at pararangalan ako sa pamamagitan nila. At ngayon, ako’y pupunta na sa iyo; aalis na ako sa sanlibutan, ngunit nasa sanlibutan pa sila.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


PANALANGIN NG BAYAN
Ikapitong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay
Martes

Hinulaan ni Kristo na ating Panginoon ang kanyang mapanligtas na Kamatayan at Muling Pagkabuhay. Sa pamamagitan niya, ang Nagdurusang Lingkod, ilapit natin ang ating mga kahilingan sa Ama ng awa.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Ama, magningning nawa sa amin ang iyong kaluwalhatian.

Ang mga pinuno ng Simbahan nawa’y ipakita sa atin ang isang malinaw na larawan ng matiyagang pagtitiis sa gitna ng kaguluhan ng ating panahon, manalangin tayo sa Panginoon.
Ang mga bansa nawa’y makilala ang nag-iisang tunay na Diyos at si Jesu-kristo na kanyang isinugo, manalangin tayo sa Panginoon.

Tayo nawa’y magsikap at manalangin para sa pagkakaisa ng lahat ng naniniwala kay Kristo, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga maysakit nawa’y iugnay ang kanilang mga paghihirap sa pagpapakasakit ni Kristo sa krus, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga naunang lumisan sa buhay na ito nawa’y makatanggap ng walang hanggang gantimpalang ipinangako sa kanila, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama, niluwalhati mo ang iyong Anak, at luluwalhatiin kami sa kanya. Tanggapin mo ang aming mga panalangin dahil kami ay sa iyo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon. Amen.

Address

Malabon

Telephone

+639178169590

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mama Mary posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share