18/11/2022
OMSIMππππ
'PUMAYAT NA'KO'
Umani ng laughing reactions ang ibinahaging larawan ng netizen na si Joemar matapos niyang matanggap ang kanyang National ID.
βDEAR PSA, PUMAYAT NA KO KAKAHINTAY,β biro nito sa kanyang post.
Mapapansin sa larawan at kanyang ID ang naging pagbabago sa kanyang itsura.
Ayon kay Joemar, Hulyo 2021 umano siya nag-apply para sa naturang ID, at noong Nobyembre 14 lang daw ito dumating.
Tila kinaaliwan naman ito ng mga netizens at nag-iwan ng mga nakatutuwang mga komento.
βBaka payat na ko nun kapag nakuha ko National Id ko,β biro ng isa sa mga netizens.
(Facebook/Joemar)