16/04/2026
Very TRUE
Masarap pa rin sa pakiramdam na kahit dumadaan tayo sa financial struggle, kahit minsan kapos sa budget, kahit ramdam ang pressure sa bills at responsibilidad, alam mong malinis ang konsensya mo. Hindi ka nanloko. Hindi ka nanlamang. Hindi ka nang-apak ng iba para lang makaangat.
Sa mundong puno ng competition, investment goals, career growth, at survival mode, madaling matukso na dumiskarte nang mali. Pero iba pa rin ang peace of mind na dala ng pagiging tapat. Yung tulog mo sa gabi mahimbing, hindi dahil marami kang pera, kundi dahil wala kang tinapakang tao para lang umasenso.
Totoo, hindi madali ang maging straight sa panahon ngayon. Minsan mas mabilis umangat ang marunong manlamang. Pero tandaan mo, short-term gain lang 'yan. Ang long-term success, yung may kasamang integrity at good reputation, mas matibay 'yon.
Mas okay nang mabagal pero malinis. Mas okay nang simple pero marangal. Kasi darating ang panahon, babalik din sa'yo ang kabutihang pinili mong panindigan. At kapag dumating ang breakthrough mo- mas masarap ipagdiwang dahil alam mong pinaghirapan mo nang patas.
Sa huli, hindi lang pera ang sukatan ng tagumpay. Character pa rin. Integridad pa rin. At ang taong may malinis na puso, kahit gaano kahirap ang buhay, panal o parin.