05/09/2022
Paano nga ba ang proseso ng pagkuha ng sariling bahay?
Makakatulong 'to.. 😊
PLEASE READ!
🔎🔎THINGS TO KNOW WHEN BUYING A HOUSE!!!🔍🔍
📌 Budget - magkano ba kaya mong monthly? Kung magkano lang kaya mo doon ka mag-umpisa tumingin.
📌 Location - consider mo pa rin ang budget mo. Kung mura lang siguradong malayo sa manila yan. 5 million na po pataas presyo ng Townhouse in QC, Marikina and nearby Metro Manila like Antipolo City, Cainta &Taytay Rizal, San Pedro, Laguna and Bacoor Cavite.
📌 Required Monthly Salary - Check mo na kaagad kung magkano sweldo mo kase doon sa rate lang magbabase kung magkano monthly pwede mo kunin! (pwede combined salary ninyo mag-asawa o family)
📌 Marital Status - laging tandaan ang legalities kapag kasal ka sa papel kahit na hiwalay kayo sa mata ng batas conjugal property padin ang lahat ng pagmamayari ninyo.
Common Questions:
1. Saan po ba may mura?
⏩ Sa Bulacan, Cavite, Batangas or Pampanga, Rizal (pailan ilan nlng)
2. May Rent To Own po ba kayo?
⏩ wala naman talagang rent to own. Maglalabas ka rin ng pera sa Equity or Downpayment at yung remaining pwede na maloan sa pagibig at magmomonthly ka nalang sa pagibig kaya parang rent to own ang labas.
3. May Lipat Agad po ba kayo?
⏩ kung kaya mo magbayad ng cash maaring makalipat ka agad.
⏩ kung installment hihintayin muna matapos Downpayment pagbayad na saka palang maprocess sa pagibig na usually 3-6months. (pwede mo bayaran ng cash ang Downpayment para maprocess agad sa pagibig)
4. Kelan pwede makalipat?
⏩ kung na release na ng pagibig o bank ang loan mo.
5. Ano ang Pre-selling?
⏩ ibig sabihin nito itatayo palang ang bahay mo usually 18-24mos construction sa mga affordable or low cost housing. Ang maganda nito mura pa ang price ng bahay kase wala pang development. Maari mo din bayaran pa ng installment ang Downpayment or Equity.
6. Ano ang Equity?
⏩ ito ay same lang ng Downpayment at required mong bayaran bago pwede maloan sa pagibig.