13/08/2026
BATAAN-CAVITE INTERLINK BRIDGE, SINIMULAN NA ANG KONSTRUKSYON
Sinimulan na ang civil works para sa Bataan-Cavite Interlink Bridge (BCIB), kabilang ang pagtatayo ng approach roads sa panig ng Bataan.
Aabot sa 32.15 kilometro ang four-lane bridge na magkokonekta sa Mariveles, Bataan at Naic, Cavite sa pamamagitan ng Manila Bay.
Inaasahang mababawasan mula 5.5 oras hanggang 45 minuto ang biyahe sa pagitan ng dalawang lalawigan kapag natapos ang proyekto.
Bukod sa mas mabilis na biyahe, inaasahang magpapalakas din ang tulay sa kalakalan, logistics, turismo at trabaho sa Cavite at Central Luzon.
Source: Metro Cavite and Beyond