31/08/2026
USAPANG PROPERTY TAXES!
CGT, DST AT ESTATE TAX...
ANO ANG PAGKAKAIBA?
Isang kliyente ang lumapit sa atin dala ang titulo ng kanilang property.
Ang tanong niya..
“Pare pareho lang po ba ang CGT, DST at Estate Tax?”
Ipinaliwanag natin na magkakaiba ang dahilan, computation at deadline ng bawat buwis.
🔹 1. CAPITAL GAINS TAX (CGT)
Karaniwang ipinapataw kapag ibinenta ang real property na classified bilang capital asset.
✅ Rate: 6%
✅ Basehan: Gross Selling Price o Fair Market Value, whichever is higher
✅ Form: BIR Form 1706
✅ Deadline: Within 30 days mula sa sale, exchange o disposition
✅ Karaniwang sagutin ng seller, depende sa kasunduan at naaangkop na batas
⚠️ Hindi lahat ng property sale ay subject sa CGT. Kung ordinary asset o ginagamit sa negosyo, maaaring ibang tax treatment gaya ng Creditable Withholding Tax at VAT ang gamitin.
🔹 2. DOCUMENTARY STAMP TAX (DST)
Buwis ito sa deed o dokumentong nagpapatunay ng bentahan o transfer.
✅ Sa deed of sale ng real property, karaniwang katumbas ng 1.5%
✅ Basehan: Selling Price o Fair Market Value, whichever is higher
✅ Form: BIR Form 2000-OT
✅ Deadline: Within 5 days pagkatapos ng buwan kung kailan nilagdaan o ginawa ang taxable document...
✅ Karaniwang sinasagot ng buyer, ngunit maaaring magkasundo ang parties kung sino ang magbabayad..
🔹 3. ESTATE TAX
Ipinapataw kapag ang may-ari ng property ay namatay at ililipat ang kanyang ari-a***n sa mga legal heirs.
✅ Para sa deaths beginning January 1, 2018: 6% of the net estate..
✅ Hindi ito 6% ng presyo ng lupa lamang—kinukuwenta muna ang gross estate at mga pinapayagang deduction..
✅ Form: BIR Form 1801
✅ Deadline: Within 1 year mula sa pagkamatay..
✅ Kailangan bago mailabas ang eCAR at tuluyang mailipat ang property sa mga heirs..
📊 SIMPLE EXAMPLE
Halimbawa, ang isang property ay may sumusunod na halaga:
• Selling Price: ₱5,000,000
• BIR Zonal Value: ₱6,000,000
• Assessor’s Fair Market Value:
₱5,500,000
Gagamitin ang pinakamataas na halaga bilang tax base: ₱6,000,000.
CGT:
₱6,000,000 × 6% = ₱360,000
DST:
₱6,000,000 × 1.5% = ₱90,000
Kung estate tax naman, hindi awtomatikong ₱6,000,000 ang gagamiting basehan. Kailangan munang tukuyin ang kabuuang gross estate, ibawas ang mga pinapayagang deduction, at saka i-apply ang 6% estate tax sa net estate.
Halimbawa:
• Gross Estate: ₱6,000,000
• Allowable Deductions: ₱1,000,000
• Net Estate: ₱5,000,000
Estate Tax:
₱5,000,000 × 6% = ₱300,000
Paalala: Simplified illustration lamang ang mga halimbawang ito. Maaaring magbago ang aktuwal na computation depende sa classification ng property, dokumento, valuation, deductions, exemptions at iba pang applicable rules.
📌 MAHALAGANG PAALALA
Bago mag compute o magbayad, suriin muna ang...
• Uri at classification ng property
• Deed at declared consideration
• BIR zonal value at Assessor’s fair market value
• Petsa ng bentahan o pagkamatay
• Ownership documents at family tree
• Posibleng exemption, deduction o ibang tax treatment..
Huwag agad mag compute gamit ang selling price lamang. Ang maling tax base o late filing ay maaaring magresulta sa deficiency tax, surcharge, interest at compromise penalty.
WEST GATE REALTY SERVICES
Property Documentation & Assistance Services
📞 0939-499-4234 Vigan
0927-331-1565 Candon
🌐 www.thewestgaterealty.com
📧 [email protected]
For general educational information only. Actual computation and tax treatment remain subject to BIR evaluation and applicable rules. Assistance and coordination only; no promise of approval or results.
Sources: BIR Capital Gains Tax Form and deadline, BIR Documentary Stamp Tax Form and deadline, TRAIN Law—Estate Tax