17/03/2024
Tripping Serye
"Agent to Agents Episode'
Agent 1: (LF farm lot)
Agent 2: ( nag offer )
Agent 2: meron po ako
Maganda , mura , tabing kalsada.
Agent 1: cgue po tignan namin ni buyer.
At Bumyahe na nga ng 4 na oras kasama si Buyer,
Mula sa bayan byahe ulit sa brgy , inabot nman ng 20 minutes ,
Mula highway , another 20 minutes papunta sa brgy Road.
Agent 2: welcome po at nakarating kayo ng maayos dito .
Tara na po lakad na po tayo mga 4 na minuto.
Agent 1: Sir Sabi nyo 4 minutes lng ang lakad inaabot na tayo ng 15imutes pag lalakad po ee..
Agent 2 : kunti na lng po ,
After 25 minutes na lakad nakarating naman sa property.
Agent 1: so bale , 2 way po tayo sa 5% dun sa seller mo.
Agent 2: opo . Kaso Maam may kasama po kaming 2 pa..
Agent 1: ahh so.bale.3 po kayo sa Grupo nyo tapos ako lang po sa Buyer ko ee ako po ang nakakuha ng Buyer.?
Bakit kasama pa ung 2 na wala naman dito at wala sa pinagusapan natin yan bago kami bumyahe ng halos 6 na oras papunta dito mismo sa property .?
Agent 2 : cgue po 2 way na lang Maam .
Maganda naman ung lugar , mura at malinis ang Titulo ,
Kaya lang bakit hindi nabibili agad? ..iyan ay dahil sa ahente na hindi Tapat sa kapwa nya ahente.
Sasabihin 5% ang paghahatian .
3 sila , pero ang totoo may OP naman pala ibig sabihin dun sa OP nila Ibabawas ang ikaapat na Bahagi sa 5% ..
Mali po ang sistema nyo kung ganito . Bukod sa gusto nyo ma solo ang OP ay makkihati pa kayo sa 5% Kunwari nyo.
Paano tayo ma bbless nyan?
Oo minsan nakakalusot iyan sa mga kapwa nyo agents pero tandaan nyo ang pera ay panandalian lang.
Mabili mo man ang lahat dahil sa kinita mo pag aahente , kotse o bahay magiging masaya kaba nun sa tuwing makikita itong galing sa panloloko..?
Panloloko sa naging buyer nyo , dahil sinabi nyo 5% lang pero ang totoo may OP naman.
Panloloko sa kapwa agent mo .
Kc sasabihin mo 5% lang at hati pa kayo dito.
Kesyo may kasama ka pang 2 pero ang totoo solo ka din lang.
Kaya sa kapwa ko ahente , sana maging tapat po tayo.
Dahil tayo mga ahente ng bawat seller at buyer ang mag tutulongan , hanggang sa huli..
Hindi lang dito magtatapos ang pinag samahan bilang mga ahente.
Let me takes this opportunity to say Thanks sa mga nakasama kong Tapat na ahente ,
And ofcorse sa mga Buyer ko na nag bibigay ng tiwala sa akin.
Mabuhay po kayo at Patuloy na pagpalain ng Diyos. ❤️
I'm your friendly agent AYEN/AILEEN
Hindi pa man lisensyado sa pagka ahente , pero my puso sa seller , buyer at kapwa ko ahente .
And I Thank you .