27/09/2025
TINGNAN | MUNTING TULONG
Nito lang September 27, 2025, araw ng Sabado, naghandog ang Baco Organization ng kaunting tulong sa mga residente ng Brgy. Nalin 2, Midsayap, North Cotabato, ng arm chair, black board, school supplies, at mga gamit para sa mga asatids at estudyante ng Madrasah At-Tarbiyah Al-Islamiya.
Mainit ang naging pagtanggap ng kanilang mudeer na si Ustadz Bukharie Adam, at dama ang pasasalamat ng buong madrasah sa biyayang naibahagi sa kanila ng naturang organisasyon.
Habang ginaganap ang programa, bakas ang kasiyahan ng mga estudyante lalo na nang sinabayan pa ito kanilang musabaqa na ikinagalak hindi lamang ng mga bata kung hindi maging ng kanilang mga magulang.
Isang makabuluhang araw ng pagbabahagi, pagkakaisa, at pasasalamat na nagsilbing inspirasyon para ipagpatuloy pa ng mga estudyante at mga ustadh ang kanilang adhikain na isailalim at isapuso ang pagiging isang tunay na Muslim, kasama nito ang pagsunod sa lahat utos ng Allah SWT at ng Propeta Muhammad SAW.