Act-Cis BARMM

Act-Cis BARMM Act-Cis Partylist BARMM

07/12/2025
15/10/2025
12/09/2025

Breaking News:

SOUTH KOREAN PRESIDENT LEE JAE - MYUNG IPINATIGIL ANG P28.7 BILLION LOAN NG PILIPINAS PARA SA IBA’T-IBANG PROYEKTO DAHIL SA NANGYAYARING FLOOD CONTROL CORRUPTION!!!

“I HAVE ORDERED IMMEDIATE HALT TO THE PROCEDURES FOR THE PROJECT”, ANANG SOUTH KOREAN LEADER.

19/08/2025

19/08/2025

Ang sistema ng “lagay” ang nagdudulot ng mga substandard at maging “ghost” projects para sa flood control.

Bilang Vice Chairperson ng Senate Blue Ribbon Committee, tatrabahuin natin na managot na ang mga contractors at mga opisyal na nagpapakasasa sa pera ng bayan habang ang ordinaryong mamamayang Pilipino, laging nalulubog sa baha.

Tamaan na ang tamaan…kaibigan, kasamahan, kamag-anak o matataas na opisyal.

JUSTICE MUST BE SERVED.




13/08/2025

Tulfo brothers💚💚💚

09/08/2025

SEN. ERWIN TULFO’S EXPLANATION OF VOTE ON THE IMPEACHMENT CASE AGAINST VICE PRESIDENT SARA DUTERTE

Ginoong Pangulo, mga kapwa kong Senador, at sa sambayanang Pilipino:

Bumoto po ako ng “YES” sa mosyon na sumasang-ayon sa desisyon ng Korte Suprema sa impeachment case laban kay Vice President Duterte. Ito po ay hindi dahil sa gusto kong iligtas ang Bise Presidente, kundi dahil malinaw ang sinasabi ng ating batas, at mas malinaw pa ang desisyon ng Korte Suprema na ito po ay labag sa Konstitusyon.

Alinsunod po sa “one-year bar rule,” hindi maaaring magsampa muli ng impeachment complaint ng isang taon matapos ang naunang reklamo. Ayon po sa Kataas-taasang Hukuman, ito ay nilabag. At bilang mambabatas, hindi ako pwedeng pumikit na lang sa harap ng isang tahasang paglabag sa ating Saligang Batas. At para saan o ano pa ang saysay ng panunumpa natin noong nakaraang linggo sa tungkulin na nakasaad doon na “That I will protect and defend the Constitution” kung ito ay susuwayin lang naman natin?

Ngunit linawin ko ito: ang boto kong ito ay hindi para i-abswelto si VP Sara Duterte. Sa totoo lang po gusto ko siyang humarap sa paglilitis—upang maipaliwanag ang mga isyu, upang sumagot sa mga tanong ng taongbayan, at upang harapin anumang pananagutan kung ito’y nararapat.

Dahil ang paninilbihan sa taumbayan ay hindi [lamang] po pribilehiyo, kundi isa ring pananagutan. Public service is not just a privilege, rather it carries also huge responsibilities.

Sa loob ng mahabang panahon, nasanay na ang ilang matataas na opisyal na kapag may kapangyarihan, may lusot. Kapag mataas ang posisyon, immune sa tanong o imbestigasyon. Tama na. Panahon nang baguhin ito.

Kung tunay po na walang kasalanan si VP Duterte, dapat siya mismo ang manguna sa pagbubukas ng lahat ng dokumento, paggamit ng budget, at mga hakbangin niya bilang Pangalawang Pangulo at kalihim ng DepEd. Walang dahilan para umiwas kung malinis po ang konsensya.

Ang boto kong “YES” ay hindi pagtatanggol sa kanya, kundi pagtatanggol sa legalidad ng proseso. hindi po ito ang wakas. Kung may basehan at sa tamang panahon, hind po ako magdadalawang-isip na suportahan muli ang isang lehitimo at makatarungang impeachment.

Dahil ang pamahalaan ay para sa taongbayan—hindi po para sa iilang nasa poder.

Maraming salamat, at mabuhay ang sambayanang Pilipino.

Address

Almonte Extension Cotabato City Pob Ii
Cotabato City
9600

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Act-Cis BARMM posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category