14/07/2026
π TAOS-PUSONG PASASALAMAT! π
Ang buong Tanggapan ng Pambayang Tagatasa ng General Nakar, sa pangunguna ng aming responsable, masipag, at mahusay na pinuno ng tanggapan, Gng. IRENE DESEPEDA-ASTRERA, REA, MGDH I, Municipal Assessor, ay taos-pusong nagpapasalamat sa Tanggapan ng Sangguniang Bayan ng General Nakar, sa pangunguna ni Kgg. RODEL A. AVELLANEDA, gayundin sa may-akda ng Kapasyahan Blg. 2026-194, Kgg. WINNIE S. VILLAREAL, at sa lahat ng kagalang-galang na miyembro ng Sangguniang Bayan, sa kanilang ipinagkaloob na papuri at pagkilala.
Lubos naming ipinagpapasalamat ang pagkilala sa pagkakabilang ng Tanggapan ng Pambayang Tagatasa ng General Nakar sa "Top 10 Highest Growth Rate in Taxable Assessed Value para sa mga Una (1st) at Pangalawang (2nd) Class Municipalities"sa lalawigan ng Quezon.
Ang parangal na ito ay hindi lamang bunga ng sama-samang pagsisikap ng aming tanggapan, kundi bunga rin ng tiwala, suporta, at kooperasyon ng Pamahalaang Bayan ng General Nakar sa pangunguna ng ating butihing Mayor ALFREDO J. PUJEDA, ng Sangguniang Bayan, at ng ating mga mamamayan.
Ang pagkilalang ito ay magsisilbing inspirasyon at hamon sa aming tanggapan upang higit pang pagbutihin ang aming paglilingkod, patuloy na gampanan nang may integridad, propesyonalismo, at kahusayan ang mga tungkuling ipinagkatiwala sa aming tanggapan, at magbigay ng tapat, mabilis, at de-kalidad na serbisyo publiko.
Maraming salamat po sa inyong tiwala at pagkilala. Ang tagumpay na ito ay iniaalay namin sa buong bayan ng General Nakar. Patuloy po kaming magsisilbi nang may malasakit, katapatan, at dedikasyon.
Higit sa lahat, ang lahat ng papuri at pasasalamat ay aming iniaalay sa Poong Maykapal na siyang patuloy na gumagabay at nagbibigay-lakas sa amin sa pagtupad ng aming tungkulin para sa kapakanan ng sambayanan.