10/11/2026
🔥 MGA KATUTUBONG AETA, NAGMARTSA LABAN SA MINING EXPLORATION SA BATAAN 🔥
Hindi katahimikan ang sagot ng Tribung Magbukon ng Brgy. Kinaragan, Limay!
Oktubre 29, 2026 — Sa mismong Buwan ng mga Katutubo, nagmartsa ang mga katutubong Aeta kasama ang mga residente ng Limay, Mariveles, Orion at Bagac para isigaw:
"Protektahan ang Pantingan, Laban sa BBMC-BC!"
"Pekeng FPIC ay TUTULAN, Pagmimina ay HADLANGAN!"
"NO TO MINING!!"
Target ng protesta ang mining exploration ng Balanga-Bataan Minerals Corp. at Benguet Mining Corp. sa ilalim ng MPSA No. 154-2000 na sumasaklaw sa 1,410 ektarya ng lupaing ninuno sa Limay, Bagac at Mariveles. Nire-renew pa noong Setyembre 2025 at tatagal ng 25 TAON!
Lupa at buhay ang nakataya. Kalikasan at karapatan, hindi mina sa Pantingan!
Kaisa nila ang Nuclear-Free Bataan Movement, YoungBEAN, PANGISDA, at maging sina Limay Mayor Richie David at Vice Mayor Grace David.
PEOPLE OVER PROFIT! NO TO MINING!
Ano ang masasabi mo? Dapat ba payagan ang pagmimina sa Bundok Pantingan?