06/05/2026
CTTO : Friendly Reminder 😊
AKALA MO NAKAMURA KA? 😱
(HUWAG BUMILI NG FORECLOSED PROPERTY NANG HINDI ITO NABABASA!)
Marami ang nae-excite kapag nakakakita ng murang bahay sa Pag-IBIG o sa banko. Pero ingat, baka ang "Dream Home" mo, maging "Financial Nightmare." ❌
Bago ka pumirma, basahin mo muna 'tong 5 Reality Checks:
1️⃣ HINDI MO AGAD MAPAPAALIS ANG NAKATIRA!
Approved na ang loan? Akala mo pwedeng palitan agad ang padlock? MALI.
Kung may squatter o dating may-ari, kailangan mo ng Writ of Possession mula sa korte.
Pwedeng abutin 'to ng 6 months hanggang 2 taon! Habang naghihintay ka, nagbabayad ka na ng monthly amortization pero hindi mo pa matirhan.
Saklap, 'di ba?
2️⃣ MGA "PA-SURPRISE" NA UTANG
Kadalasan, updated ang tax (amilyar), pero ang HOA dues (monthly dues sa village) at utility bills (kuryente/tubig) ay bundok na ang utang.
Minsan, hindi ka papayagan ng subdivision na mag-renovate hangga't hindi mo binabayaran ang utang ng dating nakatira. Isama mo 'to sa budget mo!
3️⃣ MAGNANAKAW AT ANAY
Kapag ang bahay ay matagal nang abandonado, asahan mo na: ang copper wires at gripo, malamang ninakaw na.
Ang kisame at pader? Baka wallpaper na lang ang nagdadala dahil kinain na ng anay ang loob.
Hindi lang pintura ang gastos mo rito, pati re-wiring at re-piping!
4️⃣ ANG TRAP NG BIDDING WARS
Dahil marami na ang "diskarte" ngayon, mataas ang kompetisyon.
Kung floor price lang ang bid mo, talo ka. Pero kung tinaasan mo naman para manalo, baka ang presyo ay katumbas na ng Market Price ng bagong bahay—tapos sira-sira pa ang nakuha mo. Sulit pa ba?
5️⃣ LOOBAN NA, WALA PANG DAANAN?
May mga property na sobrang mura kasi "interior lot." Pag-check mo, daanang-tao lang pala o kailangang dumaan sa bakuran ng kapitbahay.
Iwasan ang sakit ng ulo sa "Right of Way." Siguraduhing legal ang daanan bago mag-downpayment!
PRO-TIP: Huwag lang tumingin sa ganda ng picture sa website.
✅Mag-ocular inspection kasama ang contractor o tubero!
Tag mo na si Hubby/Wifey o ang tropa mong nagpaplanong kumuha ng bahay! 👇🏡
If this helped you understand real estate better, follow for more real estate education