19/09/2026
Inirefer ka sa isang surveyor na marunong daw mag sukat ng lupa, bagsak-presyo at humingi agad ng full payment? Naku RED FLAG yan kabayan!
Hindi sapat na marunong lang gumamit ng surveying equipment ay pwede nang makakapag sukat ng lupa.
Mahalaga ring malaman kung ang gagawa ba ng survey ay trained, qualified, legit at authorized to practice na naayon sa Geodetic Engineering Act of the Philippines.
Higit sa lahat, siguraduhing licensed Geodetic Engineer lamang ang gagawa sa inyong property.
Bago ka magbayad kabayan, alamin muna:
1. Sino ang licensed Geodetic Engineer na responsible sa survey, iresearch sa PRC website ang full name at iverify
2. Ano ang scope at purpose ng survey
3. Anong plano ang matatanggap pagkatapos ng survey
4. Ano ang setup at kabuuang proseso
5. Ano ang inclusions ng professional fees, terms of payment at kung may BIR-receipt
6. Kung kilala ba ang credentials ng surveyor (mag tanong sa inyong munisipyo, pwede ring iverify sa internet or facebook)
7. May babalikan ka bang surveying office just in case
Tandaan: Ang lupa mo ay malaking investment and considered na kayamanan, kaya't huwag ipagkatiwala ang property sa hindi licensed Geodetic Engineer.
Ikaw Kabayan, anong hindi mo malilimutang karanasan sa isang illegitimate na Surveyor:
- Hindi naba sumasagot sa tawag mo?
- Hindi mo na mahagilap sa opisina?
- Ilang taon na wala pa rin ang approved subdivision plan mo?
Kwentuhan tayo sa comment section.
AYL Survey & Realty
460 M. Lejano St, Poblacion 4,
Lian Batangas
We at AYL, garantisadong you are in good hands, because "Your Land is Our Expertise".