14/07/2024
HIGIT PA 0.365 CENTAVOS ANG HALAGA MO
‼️‼️‼️BASAHIN HANGGNG DULO‼️‼️‼️
HUWANG KANG MAGSETTLE LAMANG SA HALAGANG 0.365 CENTAVOS KADA ARAW PARA SA TATLONG TAONG PALPAK NA SERBISYO PUBLIKO.
Mula pa man noong una, tunay na ngang talamak ang pagbili ng boto saanmang panig ng ating bansa. PERO TANDAAN MO NA HIGIT PA SA ISANG BESES NA IBIBIGAY SAYO ANG HALAGA NG SERBISYO NA DAPAT KUSANG IBINIBIGAY SA TAUMBAYAN.
Ipagpalagay nating binigyan ka ni Juan ng ₱3,000. Nais niya sanang tumakbo bilang isang mayor ng bayan ng Victorino kasabay ng 5 pang ibang kandidato, na mayroong humigi’t kumulang na 38,000 botante. Ipagpalagay nating gusto niyang bilhin ang boto ng 10,000 botante (kalahati ng kabuuang bilang ng botante) kahit walang kasiguraduhang iboboto siya, so kailangan niyang gumastos ng humigit kumulang ₱30,000,000 kung bibigyan niya ng ₱3,000 yung 10,000 katao.
Kapag naupo siya, manunukulan siya ng 3 taon sa unang termino na may 365 days kada taon. So 365 x 3 is equal to 1,095 na araw sa kabuuan. YUNG ₱3,000 NA ISAHANG IBINIGAY SAYO PARA MAKUHA ANG BOTO MO AY NAGKAKAHALAGA LAMANG NG 0.365 CENTAVOS KADA ARAW. Kumbaga, malaki kung titignan sa isang bagsakan. Pero kung hahatiin mo ang ₱3,000 sa tatlong taong pamumuno na may humigi’t kumulang 1,095 na araw, 0.365 lamang ang naibigay sayo kada araw. HINDI PA ABOT PARA MAKABILI KA NG ISANG CANDY KADA ARAW. Sa panahon ngayon ang ₱3,000 piso ay napakaliit na at tila yata kapos para sa pagkain sa isang linggo ng isang pamilyang may 5-7 katao.
Ipagpalagay na ang sahod ng isang Mayor sa Victorino ay ₱100,000 kada buwan. Sa tatlong taon ang kabuuang sahod ay ₱3,600,000 lamang kumpara sa inilabas niyang 30 milyon. SO SAAN NIYA YON BABAWIIN? YUN NA ANG HINDI NATIN ALAM. Kahit pa sabihing may porsyentong kinikita ang bawat public officials sa mga proyektong maipagagawa nila, sa tingin ko’y hindi aabot ng 30 milyon iyon lalo na sa isang simpleng bayan ng Victorino.
Doon na papasok ang korupsyon, ang overpriced projects, ang mga kickbacks, at marami pang ibang hindi magagandang gawa.
PERO, KUNG MAGIGING WAIS KA, MAAARI MONG TANGGAPIN ANG PERANG IBINIBIGAY NILA (HAHAHAHAHAHA BUT NOT ME) TAPOS IBOTO MO YUNG MGA TUNAY NA MAY MALASAKIT SA BAYAN, YUNG ALAM MONG WALANG PERANG PAMBIGAY PERO MAY HUSAY, TAPANG, TALINO, AT MAY SALITA NA KAYANG GUMAWA AT MAG-AMBAG PARA SA TUNAY NA PAGBABAGO.
Halimbawa, tama ang iyong nahalal, edi maganda dahil ang mga basic projects gaya ng pagkakaroon ng dentista sa Rural Health Unit na nagbibigay ng libreng serbisyo gaya ng pabunot, papasta, palinis ng ngipin, at iba pa, doon pa lang panalo ka na. Magkano na ang pabunot kada ngipin? Mababa na ₱800. Magkano na ang palinis? Mababa na ₱800.
Halimbawa, tama ang iyong naihalal, edi may programang gaya ng scholarship para sa mga estudyanteng kapos at scholarship para sa mga nag-eexcell sa klase. Mababa na siguro yung ₱500 kada buwan sa mga qualified na applicants. ₱6,000 na libo sa loob lamang ng isang taon.
Halimbawa, tama ang iyong naihalal, edi may transparent ang mga gawain ng gobyerno at alam mo kung saan napupunta ang mga binabayad mong fees at buwis. Kung maayos ang pamamalakad, maibibigay sa mga seniors ang cash assistance na para sa kanila (₱2,000 nga ba kada taon? Edi ₱6,000 na sa tatlong taon). Kung tama ang pamamalakad, maibibigay ang tamang halaga ng financial assistance sa mga nangangailangan. Kung tama ang pamamalakad, may maayos na kumpetisyon sa merkado at hindi lamang piling negosyante ang makikinabang. At kung tama ang pamamalakad, ang mga proyektong maisasagawa ay may maayos na pag-aaudit, ang halaga ng mga bidding ay reasonable, at walang overpriced projects or misappropriation of funds na magaganap.
Halimbawa, tama ang iyong naihalal, edi hindi na kailangan magbayad ng sobrang mahal na prangkisa ng mga tricycle, hindi na kailangan magbayad ng sorbang mahal na business permit ng mga may business, hindi na kailangang magkaroon ng sobrang pagtataas ng mga fees, at iba pang bayarin. At magkakaroon pa ng marami at iba’t-ibang serbisyo na libre para sa publiko DAHIL IYON ANG TUNGUHIN NG ISANG MATINO, MAY PRINSIPYO, MATAPANG, MAAYOS, MAY MALASAKIT, AT MAKATAONG LIDER NG BAYAN.
SAAN BA KINUKUHA NG LGU ANG KANILANG PANGGASTOS? SA BUWIS, SA MGA PERMIT FEES, AT IBA PANG URI NG INCOME GENERATING SERVICES NA MULA SA LGU. KUNG TAMA ANG PAMAMALAKAD, ANG HALAGA NG MGA SINGILING IYAN AY MAGIGING MAKATAO, AT REASONABLE.
Piliin mo ang mamumuno sa bayan at hindi lamang mauupo para sa sariling interes. Piliin mo ang mamumunong magsasagawa ng proyektong sustainable para sa lahat.
Lahat ng ito ay hindi madali pero kayang abutin kung pagtutulong-tulangan lamang natin.
Thumbs up mga kapoet kung gusto niyong gawan ko ng video explanation ang post ko na ito. Salamat!