03/06/2026
Itinaas ng Pag-IBIG Fund sa hanggang P10 milyon ang maximum housing loan limit para sa mga manggagawang Pilipino. Ito ay para mas maraming Pilipino ang makinabang sa Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ng administrasyon.
Sa bagong loan ceiling, maaaring bayaran ng mga qualified borrower ang kanilang loan nang hanggang 30 taon, na may interest rate na 5.75% kada taon, depende sa kanilang napiling fixing period.
Nilinaw naman ng ahensya na ang approval ng mas mataas na loan ay nakabatay pa rin sa kakayahang magbayad ng borrower, credit evaluation, collateral appraisal, at iba pang housing loan guidelines.
Ayon sa Pag-IBIG Fund, layunin umano ng hakabang na ito na palawakin ang access sa abot-kayang long term home financing upang matulungan ang lahat ng manggagawang Pilipino na nais magkaroon ng sariling bahay. | BChannel News