08/04/2026
Naglabas ng babala ang PAGASA na inaasahang mas madalas mararanasan ang danger level heat index ngayong Abril base sa kanilang monitoring. Posibleng pumalo sa 42°C hanggang 51°C ang init na mararamdaman, lalo na sa mga urban na lugar sa bansa.
Pinapayuhan ang lahat na mag-ingat laban sa heatstroke—ugaliing uminom ng maraming tubig, magdala ng payong o proteksyon laban sa araw, at manatiling updated sa mga ulat ng panahon.