17/05/2020
Mahal naming ka-Barangay.
Marahil ay alam na natin na ang City of Taguig kasama na ang Barangay Fort Bonifacio ay nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ). Nangangahulugan na unti unti nang binubuksan ang ibang komersyo at inihahanda tayo sa tinatawag na “new normal”.
Paalala lang po sa lahat na hindi pa natatapos ang ating laban sa Covid-19 at kailangan manatili pa din tayo sa loob ng tahanan at lalabas lamang kapag bibili ng essential goods at papasok sa trabaho.
Sa ngayon, meron na po tayong 55 positive cases with 2 deaths sa ating Barangay, kung saan 44 ay sa BGC habang 11 ang sa iba’t ibang zones. Lahat po ng kasalukuyang pasyente ay naka self-quarantine at nagpapagaling. Ginagawa din ang contact tracing upang sumailalim sa self-quarantine ang mga nakasalamuha ng mga pasyente.
Naniniwala tayo na ang ECQ at ang pag sunod natin dito ay naging epektibo at marahil ay lumobo ang ating bilang kung hindi natin sinunod ang ECQ.
Inuulit ko po, MANATILI SA LOOB NG ATING BAHAY. Patuloy pong magsisilbi ang kawani ng ating Siyudad, Barangay at PNP to strictly enforce ang rules ng MECQ. Sana po ay huwag tayong sumuway at sumunod na lamang. Hindi po biro ang sakripisyo ng ating mga kawani at ng PNP upang mapasunod tayo sa mga alituntunin ng ECQ at ngayon ay MECQ.
Paalala po sa lahat na:
• Ugaliin pa din ang pagkain ng masusustansyang pagkain at ang pagpapalakas ng ating katawan at immune system.
• Pag hugas ng ating kamay at pag disinfect ng ating kabahayan at paligid nito.
• Ang paglabas lamang ay kapag bibili ng essential goods at papasok sa trabaho.
• Dalhin ang Unified Quarantine Pass pag lalabas upang bumili ng essential goods.
• Dalhin ang ID at Certificate of Employment kapag papasok.
• Magsuot ng face mask kapag lalabas ng bahay.
• Panatilihin ang social distancing. Bawal tumambay at mag kumpol-kumpol sa labas.
• Pinapayagan ang pag ehersisyo ngunit sumunod sa mga alitunin na inilabas ng Siyudad tulad ng pagsuot ng mask at social distancing.
• Lahat po ng swimming pool, gym, covered courts ay mananatiling sarado.
• Ayon po sa IATF, bawal po lumabas ang seniors, pregnant women, those with immunodeficiency, co-morbiditites, or other health risks maliban nalang kung bibili ng essential goods at walang kasama sa bahay. Kung maari po ay mag-antabay ng mga follow up pronouncements galing sa City kung papayagan ang mga at risk people upang lumabas, mag paaraw o mag exercise.
Maari natin tingnan ang I Love Taguig FB page para sa mga up to date na anunsyo ng ating butihing Mayor Lino Cayetano at ng Siyudad. Inilunsad din ang Safe City Taguig sa Facebook para sa mga mga balita tungkol sa MECQ, new normal at mga alituntunin tungkol sa kalusugan at kaligtasan.
Para sa katanungan naman tungkol sa COVID 19 tawagan ang hotline sa 8-789-3200 o sa 0966-419-4510.
Salamat po sa patuloy na suporta. Sundin lamang po natin ang panukala ng Konseho ng ating Barangay sa pangunguna ni Punong Barangay Jorge Daniel Bocobo.
Sa pakikipagtulungan lamang natin masisigurado na tayo at ang ating pamilya ay magiging ligtas sa COVID 19.
God bless po sa ating lahat.