29/03/2026
Homily Transcription by Fr. Dave Concepcion
⛪️ Fifth Sunday of Lent
🗓️ March 22, 2026
📖 John 11:1-45
📍Sto. Nino de Paz Greenbelt Chapel
The readings of this Sunday remind us of the reality of sickness, of death, and resurrection. Even if you are a friend of Jesus, eventually you will get sick, and you will die. If you notice, the sisters did not say our brother, but the one you love. It means there is a special relationship between Jesus and Lazarus. Sickness, death, resurrection.
Second, there is pain, there is sadness in losing somebody you love. Sadyang may pagtangis sa pagpanaw ng iyong minamahal. This is not the first time that Jesus raised a dead person. Another story was the son of a widow from Nain. They are already at the funeral. Jesus stopped and raised the son of the widow. But he did not weep. Hindi siya umiyak doon. Pero dito, umiyak siya. Sa madaling sabi, sadyang makatotohanan ang pagluha ng pagpanaw ng minamahal. Kaya 'pag tinanong ng asawa ang kanyang asawa, "Luluha ka ba pag ako'y namatay?" Magandang itanong 'yun. Tanungin mo ang asawa mo, "Iiyak ka ba 'pag namatay ako?" Sasabihin niya, "Oo." Kaya lang nakangiti. Parang hindi ka pani-paniwala.
The second reading says, if you die in Christ, you will rise with Him. So not all who will die will rise with Him. Only those who will die with Christ. Only those who believe in Christ. You all know that I lost a brother last year, last February. Not so old, only sixty-five years old. He was not sick. He was just complaining in our chat group. He just said, "I will go to Makati Med. Masakit ang tiyan ko." Alas nueve, ala-una, patay. Ni hindi ko na inabot. Ia-anoint ko sana. Kaya noong binuksan 'yung pagkakabalot, ang una ko agad na sinabi, "Bakit ka naman nagmamadali?" Buti hindi sumagot. But up to now, I cannot understand.
There are things you believe, but some of them you cannot accept. Why? Because we still miss our brother. And sometimes it will be tolerable, acceptable if you see someone who has been sick with a lingering illness, and sometimes the people who love them will say, "Lord, kunin mo na kaysa maghirap." ‘Pag napansin mo naghihirap, ikaw na mismo nagsasabi, "Kunin mo na. Kawawa naman." Pero yung walang sakit at biglang namatay, talagang nagdudulot ng isang malaking pagtatanong: bakit?
At noong nagmisa si Bishop Soc, kasi si Bishop Soc ang nagkasal sa kanila. Ang sabi lang niya, "Minsan, 'pag namatay kang biglaan nang wala kang karamdaman, biyaya iyon. Biyaya iyon kaysa ikaw ay maghirap." Kaya maganda rin 'yon, "Lord, kung kukunin mo ako, kunin mo na ako agad. Kaysa maghihirap pa ako." Hindi ka na gagastos. Magbilin lang kayo kung kayo ay garapon o kahon. Sabihin mo sa asawa mo, "'Pag ako ay namatay, garapon o kahon." 'Pag garapon, cremated. 'Pag kahon, may kabaong.
Of course, it was consoling to hear those words. Kaya nga marami sa atin, 'pag tinanong, in what way you want to die? Anong sagot ng marami? "Sana kunin na lang ako ni Lord habang natutulog." Para wala nang hirap. Kaya yung iba, namatay sa misa. Natutulog eh. Kinuha ni Lord. At least sa misa ka namatay. ’Pagdating ng "peace be with you," wala ka na. Rest in peace. Pero hayaan niyo silang natutulog.
Kanina kasi pinapagalitan ng nanay yung kanyang anak na natutulog. Kita ko, eh. Hayaan niyo. Sometimes the spirit is willing, but the flesh is weak. Kahit kayo ay naiirita 'pag mayroong batang maingay na umiiyak, let it be. Kailan niyo dadalhin 'yan? Pagpatay na? Let them, bring them, allow them. Recognize their struggle inside the church. Darating ang araw. Matutulog ka rin pag matanda ka na. Pagka minsan, yung matatanda, sa simbahan na lang talaga natutulog. Kaya may mga nabili na ‘yang upuan. Kasi saktong-saktong likod nila, lapat na lapat. Okay lang 'yan. Mahalaga nag-simba ka. Ganun talaga. Sabi ni Bishop Soc, "Ganun talaga."
But lately, just this year, a brother priest, an alumnus of our seminary, a year ahead of me, died after three years of lingering sickness. Ano ang sakit? Diabetes. Complication sa diabetes. Walang namamatay sa diabetes. Tandaan niyo 'yan. Kung kayo ay diabetic, hindi kayo mamamatay sa diabetes. Kumain kayo. Ikamamatay niyo, komplikasyon. Tumaas ang blood sugar, na-stroke. Nag-heart bypass. Later on, na-stroke uli. Inoperahan sa utak. Three years in a coma. Kaya kami, pinagdadasal namin, kahit gusto naming ikaw ay mabuhay, kung gulay ka naman, kunin ka na lang.
Of course, mahirap iyon sa magulang. Mahirap sa magulang na yung magulang ang maglilibing sa anak. Mas madali sa anak na ilibing ang magulang kasi alam mo namang mas matanda sila. Pero mas mahirap sa magulang ang silang maglibing sa anak. Kaya yung magulang, iyak nang iyak. At si Bishop Soc ang nag-homily sa funeral at sabi niya, inilabas niya ang kanyang sama ng loob. Hindi naman masamang magtampo. Nagtampo siya sa Diyos. Sinabi niya, "Lord, bakit?" Mabuting pari naman 'yan. "Bakit?" At inaantay ko, baka sumagot ang Diyos. At sabi lang niya, "Ganun daw talaga." May gumagaling, mayroong hindi gumagaling. Ganun talaga.
Bakit hindi gumaling si Lazarus? Napakaganda. So that the glory of God will be revealed. Sometimes you will not be healed by your sickness, and God will simply raise you from the dead so that the glory of God will be revealed. Kaya magkita-kita na lang tayo. Dalawa lang naman ang pupuntahan. Smoking or non-smoking. Sana magkita tayo sa non-smoking area. Pero hindi ako nagmamadali. Ladies first. Why hurry? Eventually, we will all die. I will die. You will die. When? I do not know. How? I do not know. But you have to accept the reality that the beauty of Easter Sunday is the promise that all who believe will rise again.
Kaya mahalaga yung tanong: naniniwala ka ba? Sumasampalataya ka ba? Kasi hindi naman talaga lahat ng namatay ikinalungkot ng namatayan. Maniwala kayo. Kasi nung namatay, halimbawa, yung asawa, sabi nung misis, "Paano na ako?" Ang iniisip niya ay siya, hindi yung namatay. "Paano na kami?" Kung nag-iwan ka ng maraming pera, "Buti na lang!" Kanya-kanya tayong kuwento sa buhay. Kaya, mga mister, huwag niyo sabihing marami kayong pera. Baka si misis ay umiyak. Para ikaw ay kunin na ni Lord. Kasi sa ayaw at sa gusto ninyo, sa dinami-dami ng kinasal ko, talagang may mga mag-asawa na nagsisimba. Ang panalangin nila palagi ay, "Kunin mo, O Diyos." Nirerequest sa choir yun. Kantahin naman natin ito. "Kunin mo, O Diyos." Matakot ka kapag hinawakan ang iyong balikat ng iyong asawa. Ibig sabihin, pinakukuha ka na. Seriously.
Life is short. Don't waste your time. As I always say, we don't have the luxury of time. Live well, don't just live long. Wag puro trabaho. Akala niyo iiyak yung kumpanya na pinagtatrabahuhan ninyo na kayo ay namatay? After one week, may kapalit na kayo. Maniwala kayo, hindi sila iiyak. Yung iba, kasama mo sa opisina, sasabihin, "Ay, wala na." Yun lang ang sasabihin. Will they really miss you? Hindi. Ako ang magsasabi, 'di ka nila ma-mi-miss. Kaya wag puro trabaho.
Kung may pagkakataon, mamasyal kayo. Hindi, kung kailan patay na kayo, saka kayo mamamasyal. Kaluluwa na lang ang mamamasyal. At pag may nakitang paro-paro sa loob ng bahay, "Ay, si Mommy." Isang paro-paro ka na lang. Mamasyal kayo. Mabuhay sa pag-ibig. Sapagkat ang karamdaman ay totoo, ang kamatayan ay totoo, meron mang pagluha, patay ka pa rin. Harinawa. Meron kang malaking pananampalataya sa Diyos upang sa iyong pagpanaw, meron kang muling pagkabuhay. It's not about how long you live. It's about how deep your belief is.
Going back to what I've said. Today, we are reminded of the reality of sickness. The greatest wealth is never money. The greatest wealth is good health. Do not forget that. And good health, kindly listen, is twenty percent exercise, eighty percent diet. Namatay sa mga kinakain. At least nakangiti. Patay nga lang. Take care of your health so that you will not regret it.
Second, the reality of death. Eventually, everybody will die. Others die late, but nobody stays forever. Wala namang nagmamadali. Huwag kayong magmadali. Eventually, it will come. Third, the reality of pain in losing somebody you love. Kaya nga sinasabi ko ito. Manakawan ka na. Huwag ka lang masunugan. Pero masunugan ka na, wag ka lang mamamatayan. Sapagkat kapag namatay, wala na talaga. But the hope. Ano ang pag-asa? For those who believe, the dead will be raised. Sa mga nananampalataya, sa mga naniniwala, merong muling pagkabuhay at buhay na walang hanggan.