25/05/2026
🏡 Ano talaga ang Downpayment at Equity❓
📍Maraming nagtatanong
"Kailangan ko ba ng malaking downpayment para makabili ng bahay?"
Ang sagot? Hindi palagi.
Pero kailangan mong maunawaan kung paano gumagana ang dalawa.
📌 Ano ang Downpayment❓
Ito ang unang bayad mo sa isang property.
Hindi ito napupunta sa agent, kundi ito ang paunang bahagi ng halaga ng bahay na mapupunta sa may ari o developer.
Halimbawa:
Ang halaga ng bahay ay ₱1,800,000.00
Nagbayad ka ng 10% downpayment = ₱180,000.00
Ang natitira = ₱ 1,620,000.00 ito ang i-lo-loan mo sa bangko o pagibig financing
📌 Kailangan ba talaga ng 20% down?
Hindi. May mga programa na nagpapahintulot ng:
✔10% down — pinakakaraniwan sa developers
Ang 20% ay hindi required pero ang totoo mas mababa ang monthly mo kapag mas malaki ang down.
📌 Ano naman ang Equity❓
Ang equity ay ang bahagi ng bahay na pag-aari mo na.
Simple na formula:
🏠 Market Value ng Bahay
➖ Remaining Balance sa Loan
= Iyong EQUITY
Halimbawa:
Bahay na worth ₱ 5Million
Loan balance mo = ₱2M
Equity mo = ₱3,000,000 ✅
📌 Paano lumalaki ang equity mo?
✔Nagbabayad ka ng monthly amortization
✔Tumataas ang market value ng property
✔Nag-renovate ka at nadagdagan ang halaga
📌 Paano mo magagamit ang equity mo?
Kapag malaki na ang equity mo, pwede mo itong gamitin para:
✔Mag-loan laban sa property (Home Equity Loan)
✔Bumili ng isa pang property ii-leverage ang equity
✔Mag-renovate para dagdagan pa ang value
✔Ibenta ang bahay at kumita ng malaki
❌ Mga Maling Paniniwala:
✘"Mag-ipon muna ako ng 20% bago bumili" habang nag-iinpon ka, tumataas ang presyo ng lupa
✘"Ang renta ay mas mura kaya mas mabuti" ang renta ay walang ibinabalik na equity
✘"Hindi ko kaya malaki kailangan" maraming low-downpayment options ngayon
📌 Ano ang pinakamainam na gawin?
✔Alamin ang iyong budget at kakayahang mag-loan
✔Pumili ng property na may magandang location dito lumalaki ang value
✔Huwag hintayin na "perfect" ang tamang oras ay ngayon
✔Kumunsulta sa trusted real estate professional
✔Gamitin ang equity para palawakin ang investments mo
BROKER'S ADVICE : May tanong ka about sa pagbili ng bahay? Message ka lang walang pressure, walang hard selling. Honest advice lang. 😊