19/07/2025
โGraceful Exitโ
Hindi lahat ng pag-alis ay masama.
Pero hindi rin lahat ng umaalis,
marunong lumisan nang maayos.
Iba ang may graceful exit.
'Yung hindi lang basta nagpaalam โ
kundi nagpaalam nang may respeto, may kababaang-loob, may pasasalamat.
'Yung kahit may sama ng loob,
hindi nagbitaw ng masasakit.
'Yung kahit nasaktan,
hindi na kailangang manakit.
Hanga ako sa mga players na ganito.
Kasi ang tunay na lakas,
hindi lang nasusukat sa galing sa laro โ
kundi sa ugali sa pag-alis.
Hindi mo kailangang sirain ang dati mong team para lang mapatunayan na tama ang desisyon mo.
Hindi mo kailangang gumawa ng kwento
para lang palabasing biktima ka.
Mas nakakaawa pa nga ang mga
basta na lang nawala.
Walang pasabi. Walang paalam.
Tapos nung lumitaw, may dalang kwentoโ pero hindi naman totoo.
Ginawang masama ang team.
Siniraan ang coach.
Ginawang kalaban ang dati nilang mga kasama.
Ang Pamilyang minsan ay tumanggap sa kanila ng buong puso โ ngayon, binabato ng sisi.
Pero alam mo kung sino ang tunay na malakas?
โYung marunong umalis nang may mabuting kalooban at pakikisama.
โYung hindi kailangang umalis na parang may kinalimutan.
โYung may tapang na humarap at magsabing:
โCoach, teammates, salamat po.
Hanggang dito na lang ako.โ
Bitbit pa rin ang respeto kahit pa ang landas ay magkaiba na.
Sa dulo,
hindi talent ang tunay na sukatan.
Hindi ang spike, ang block, o ang stats.
Ang sukatan?
โYung ugali mong magpaalam nang maayos.
โYung dignidad mong iniwan kahit wala ka na sa lineup.
Mas nakakataba ng puso ang "Salamat po, Coach"
kaysa sa "Wala akong utang dโyan."
Mas magaan sa pakinggan ang "Ingat kayo, team"
kaysa sa "Wala naman akong natutunan dโyan."
Graceful exit means
you know when to walk away โ
but you do it with your head held high,
and your heart still humble.
Kaya kung darating ang panahon na aalis ka rin, hindi kita pipigilan โ
basta tandaan mo lang:
Ang pag-alis ay hindi dahilan para mawalan ng respeto.
Umalis ka man โ sana dala mo pa rin ang puso.
Umalis kang may dangal.
Umalis kang may respeto.
Umalis kang may graceful exit.
Pontevedra Fire Antz ๐ฅ๐