03/03/2026
Kung maayos mong na-turn over ang unit — malinis ang bowl, walang bara, fully functional ang plumbing — at biglang nagbara habang nakatira na si tenant, Tenant ang may sagot.
Bakit?
✔️ Siya ang gumagamit araw-araw ng unit
✔️ Siya ang may kontrol kung ano ang fina-flush sa toilet
✔️ Maayos mong ibinigay ang unit sa kanya
Sa experience ko, may tenant na naka-flush ng boxer shorts.
Resulta? Nagbara ang bowl.
Kinailangan pa naming ipatik-tik at baklasin ang bowl para matanggal ang bara — at doon nakita ang boxer shorts na dahilan ng problema.
Natural, chine-charge ko ang repair cost sa tenant dahil negligence iyon. Hindi iyon normal wear and tear. Hindi rin kasalanan ng landlord kung maling bagay ang fina-flush.
💡 Tandaan:
• Landlord – sagot ang major plumbing defect kung structural ang problema.
• Tenant – sagot ang bara kung misuse, negligence, o maling paggamit ang dahilan.
Ang paupahan ay negosyo, hindi charity.
Kung ang damage ay gawa ng tenant, dapat lang na siya ang managot sa gastos.