28/04/2026
“HINDI MO MADADALA ANG PERA SA LANGIT.”
Totoo yan. Pero mali kapag ginawa mo na yang dahilan para hindi ka na magsumikap.
Hindi mo man madadala ang pera sa langit, malaking tulong yan sa mga maiiwan mo sa lupa.
Pera ang pambayad sa pagkain.
Pera ang pampa aral ng anak.
Pera ang pampa ospital kapag may nagkasakit.
Hindi kasalanan ang mangarap at umasenso. Hindi rin masama ang gustong gumanda ang buhay.
Ang masama, yung kontento ka na sa hirap
tapos sasabihin mo, “okay lang yan, hindi naman madadala sa langit.”
Tapos kapag may emergency, may kakulangan sa pera sa pamilya nyo eh mang didistorbo ka ng mga nananahimik na tao, dahil sa paniniwala mo na hindi madadala ang pera sa langit, kaya naging batugan tamad ka na at ayaw umako ng responsabilidad.
Hindi mo nga madadala sa langit. Pero responsibilidad mo kung anong klaseng buhay ang ibibigay mo sa binuo mong pamilya lalo kung ikaw ang tatay at lead provider.
Realtalk lang, hindi mo madadala pera sa langit, pero eto ang gagamitin nyo mag asawa pagdating ng oras na hindi nyo na kaya kumita ng pera, dahil ang perang eto, ay pampa ospital pampagamot at kung ano pa na pwede pag gamitan pag matanda na kayo, na hindi nyo kailangan distorbohin mga anak nyo dahil may kanya kanya na rin silang binuong pamilya.
Hindi mo madadala ang pera sa langit, dahil ginawa yan para ma enjoy dito sa lupa, dahil kapag wala kang pera, hindi mo ma eenjoy mabuhay sa mundong eto at magiging pasanin pabigat ka pa ng mga taong responsable sa buhay.
Ctto