27/12/2025
https://www.facebook.com/share/p/1JKXnjDCSb/
Sabi ni Lord...
βNgayong taon ginawa kitang malakas, next year gagawin naman kitang masaya.β
Minsan hindi natin agad naiintindihan kung bakit puro laban ang binibigay. Araw-araw kang bumabangon kahit pagod na pagod ka na. Pero sa bawat beses na hindi ka sumuko, mas tumitibay ka.
Maraming beses na akala mo hanggang doon ka na lang. Yung tipong tahimik kang umiiyak pero tuloy pa rin ang laban. Kasi alam mong may dahilan kung bakit ka pa rin nandito.
Hindi lahat ng sakit ay parusa. Minsan training pala para sa mas magandang blessing. Kailangan ka munang patatagin bago ka bigyan ng kapayapaan.
Kung pakiramdam mo napag-iiwanan ka, hindi ibig sabihin talo ka. Baka hinihintay lang ng tamang oras yung breakthrough mo. Trust the process kahit mabagal.
Darating din yung araw na hindi ka na lang lalakas, kundi ngingiti ka na ulit. Yung saya na hindi pilit at hindi panandalian. Kapit lang, may reward ang pagtitiis.