16/04/2026
🏠 𝐓𝐇𝐄 𝐌𝐀𝐂𝐄𝐃𝐀 𝐋𝐀𝐖 ( 𝐑.𝐀. 𝐍𝐨. 𝟔𝟓𝟓𝟐)
Ang Maceda Law o Realty Installment Buyer Protection Act ay nagbibigay-proteksyon sa mga bumibili ng real estate properties na hulugan o installment basis, lalo na kung sila ay hindi nakabayad sa tamang oras. Layunin nito na maging makatarungan ang proseso at maiwasan ang agarang pagkakansela o pag-forfeit ng lahat ng bayad.
🔑 𝙎𝙖𝙠𝙡𝙖𝙬 𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙩𝙖𝙨
Sakop nito ang mga bumili ng:
• Residential real estate (bahay, lupa, condo)
• Ibinenta sa pamamagitan ng installment payments
❗ 𝙃𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙨𝙖𝙠𝙤𝙥:
• Industrial at commercial properties
• Rent-to-own schemes (depende sa structure ng kontrata)
💰 𝙂𝙧𝙖𝙘𝙚 𝙋𝙚𝙧𝙞𝙤𝙙 (𝙒𝙞𝙩𝙝𝙤𝙪𝙩 𝙄𝙣𝙩𝙚𝙧𝙚𝙨𝙩)
Bibigyan ng palugit ang buyer para makahabol sa bayad:
• Less than 2 years na nakabayad
→ 60 days grace period mula sa due date
• At least 2 years na nakabayad
→ 1 month grace period kada isang taon ng bayad
✔ Walang dagdag na interes sa loob ng grace period
💰𝙆𝙖𝙧𝙖𝙥𝙖𝙩𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝙍𝙚𝙛𝙪𝙣𝙙 (𝘾𝙖𝙨𝙝 𝙎𝙪𝙧𝙧𝙚𝙣𝙙𝙚𝙧 𝙑𝙖𝙡𝙪𝙚)
Kung ang buyer ay nakapagbayad na ng at least 2 years:
• May karapatan sa 50% refund ng lahat ng nabayad
• Dagdag na 5% bawat taon pagkatapos ng 5 years (hanggang 90% maximum)
👉 Ito ang tinatawag na cash surrender value
🚫 𝙈𝙜𝙖 𝙆𝙞𝙣𝙖𝙠𝙖𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣 𝘽𝙖𝙜𝙤 𝙆𝙖𝙣𝙨𝙚𝙡𝙖𝙝𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙆𝙤𝙣𝙩𝙧𝙖𝙩𝙖:
Hindi automatic ang cancellation. Dapat ang seller ay:
• Magpadala ng notarized notice of cancellation o demand for rescission
• Bigyan ang buyer ng 30 araw mula sa pagtanggap para magbayad
• Ibalik ang nararapat na refund bago maging epektibo ang cancellation
🏡 𝙍𝙞𝙜𝙝𝙩 𝙩𝙤 𝙍𝙚𝙞𝙣𝙨𝙩𝙖𝙩𝙚
May pagkakataon pa ang buyer na:
• Bayaran ang mga hindi nabayarang hulog sa loob ng grace period
• Ibalik ang bisa ng kontrata at ipagpatuloy ang pagmamay-ari
🔁 𝙆𝙖𝙧𝙖𝙥𝙖𝙩𝙖𝙣 𝙣𝙖 𝙄-𝙖𝙨𝙨𝙞𝙜𝙣 𝙤 𝙄-𝙗𝙚𝙣𝙩𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙆𝙖𝙧𝙖𝙥𝙖𝙩𝙖𝙣
Ang buyer ay puwedeng:
• Ibenta o i-assign ang kanyang rights sa ibang tao
• O i-update ang kontrata kung pinapayagan
📝 𝙋𝙧𝙤𝙩𝙚𝙠𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙇𝙖𝙗𝙖𝙣 𝙨𝙖 𝘽𝙞𝙜𝙡𝙖𝙖𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙜-𝙛𝙤𝙧𝙛𝙚𝙞𝙩
Hindi maaaring basta na lang:
• Kanselahin ang kontrata agad-agad
• Kunin lahat ng bayad nang walang due process
✔ Layunin ng batas na siguraduhin ang katarungan at proteksyon ng buyers
Ctto: AttyZai