04/01/2026
✅ Pwede ba bumili kahit wala pang Pag-IBIG?
OO, dahil ang pre-selling stage ay karaniwang reservation + downpayment muna, at hindi pa agad kailangan ang Pag-IBIG loan.
⸻
🏠 Paano ang proseso?
1️⃣ Reservation
• Magbabayad ka ng reservation fee 25,000
• Hindi pa kailangan ng Pag-IBIG dito
⸻
2️⃣ Downpayment (Installment)
• Downpayment ay karaniwang 10% ng bahay
• Binabayaran monthly sa loob ng 30months
• Habang nagbabayad ng downpayment, pwede ka nang:
• Mag-apply ng Pag-IBIG
• Maghulog ng contributions
⸻
3️⃣ Simulan ang Pag-IBIG Contribution
Para makapag-loan sa Pag-IBIG, kailangan mo ng:
• At least 24 monthly contributions
👉 Pwede mong gawin:
• Voluntary member
• Minimum hulog: ₱200/month
• Pwede ring isang bagsakang bayad para makumpleto agad ang 24 months
⸻
4️⃣ Pag-IBIG Housing Loan (Pagkatapos ng DP)
Pagkatapos ng downpayment:
• I-aapply na ang Pag-IBIG housing loan
• Kailangan:
• 24 contributions
• Sapat na income
• Good credit standing
Kung hindi pa kumpleto ang contribution, may dalawang option:
• I-delay ang turnover (depende sa developer)
• Mag-co-borrower na may Pag-IBIG