05/05/2024
"Sariling Atin Ay Mahalin, Tilapia ng Pitong Lawa ay Tangkilikin", ito ang naging tema ng selebrasyon ng 17th Tilapia Festival sa San Pablo City na dinaluhan ng mga mangingisda mula sa Pitong Lawa ng Lunsod ng San Pablo. At kaugnay ng nasabing pagdiriwang ay daan-daang Tilapia ang inihaw at libreng ipinakain sa mga nagsidalo sa naturang okasyon sa may bahagi ng Sampaloc Lake.