08/03/2026
Happy 5 Years, Tahanang May Puso 💚
Limang taon na ang lumipas, pero hanggang ngayon ramdam pa rin ang puso sa bawat tahanang nabubuo.
Mula sa simpleng pangarap… unti-unting tumubo ang mga binhi ng pag-asa, sipag, at tiwala—hanggang maging tunay na mga tahanan ng pamilya.
Sa bawat susi na naiaabot, may kwento ng sakripisyo.
Sa bawat bahay na naitatayo, may pangarap na natutupad.
Salamat sa limang taon ng pagiging “tahanang may puso.”
Isang komunidad na hindi lang basta bahay, kundi lugar kung saan lumalaki ang mga pangarap.
At kami… loyal kami sa pangarap na ito.
Loyal sa bawat pamilyang gustong magkaroon ng sariling tahanan.
Loyal sa pag-alaga sa pangarap hanggang maging realidad.
Happy 5th Anniversary!
Mas marami pang pangarap ang tutubo at matutupad sa mga susunod na taon. 🌱🏡✨