09/04/2025
Kaibigan?
Isa, dalawa, tatlo
left out nanaman ako
Apat, lima, anim at pito
Sadyang pangalawa lang sa inyo
Sobrang saya nyu sa harapan
Samantala ako'y nag iisa sa likuran
Tayoy magkakaibigan
Pero ako yung anino lang
Alam nyu bang ako'y kinakabahan
Tuwing may aktibidad sa paaralan?
Takot akong dalawang pares lang
Takot akong maiwan
Ako yung nasa tabihan, kung kayo'y luhaan
Ako yung laging nandiyan, para kayo'y suportahan
Ako yung isa nyung kaibigan
Na di nyu manlang kayang pahalagahan
Nung umiiyak ako
nasaan na kayo?
Nung kailangan ko ng taong sasandalan
Nasaan yung tinuturing kong kaibigan?
Ikaw at ikaw gusto nyung piliin ko kayong dalawa
Pero sino naman ang pipili sa akin diba?
Ayaw nyu akong mawala
Pero ako'y inyu lang binabalewala
Ngayon may tao nang nandiyan
Handa akong pakinggan
Tinuturing akong kayamanan
Ngayon gusto nyu kong pigilan
Ang damot nyu naman, mga kaibigan