26/05/2026
Balang araw, gusto ko talagang makatulong sa ibang tao lalo na sa mga pamilya na halos wala nang oras sa isa’t isa dahil buong araw pagod sa trabaho. Pangarap ko na sana magkaroon sila ng pagkakataon na kumita habang nasa bahay lang, kasama ang pamilya nila, at hindi na kailangang lumayo o ma stress araw-araw.
Alam ko kasi yung pakiramdam na gusto mong umusad sa buhay pero minsan kulang sa oras, pagod na ang katawan, at hirap magsimula dahil iniisip agad na kailangan malaking puhunan. Kaya kung darating man ang araw na magkaroon ako ng oportunidad, gusto ko rin itong maibahagi sa iba. Yung tipong kahit simpleng gadget lang ang gamit at maliit lang ang panimula, may chance pa rin silang kumita at matutong bumangon para sa sarili at sa pamilya nila.
Hindi man agad malaki ang resulta, ang mahalaga ay nagsisimula. Unti-unti, may pag-asa. At habang lumalaban tayo para sa pangarap, mas masarap sa pakiramdam kapag may mga taong natutulungan din tayong makaangat sa buhay.
Pangarap ko na balang araw, hindi lang sarili ko ang umasenso kundi pati ibang tao rin na nangangailangan ng pagkakataon. Dahil minsan, ang isang simpleng opportunity lang pala ang kailangan para magbago ang buhay ng isang pamilya.