25/10/2026
ANO ANG CAPACITÀ DI RISPARMIO AT BAKIT ITO IMPORTANTE SA MUTUO CASA?
Hindi alam ng karamihan na sa pag-evaluate ng Mutuo Casa, hindi lamang ang taas ng sahod, pagkakaroon ng regular na kontrata (tempo indeterminato), at tagal ng pagtatrabaho ang tinitingnan ng Banca.
Ang Capacità di Risparmio ay ang kakayahan ng isang tao o pamilya na makapag-ipon mula sa buwanang kita matapos ibawas ang mga regular na gastusin.
Bakit ito importante?
Tinitingnan din ng Banca kung:
• Sapat ang iyong buwanang kita.
• Mayroon kang mga kasalukuyang finanziamenti.
• Magkano ang regular na gastusin ng iyong pamilya.
• May natitirang pera para sa ipon at emergency.
• Kaya mong bayaran ang buwanang rata ng mutuo.
TANDAAN:
Hindi sapat na mataas ang iyong sahod, regular ka sa trabaho, o matagal ka nang nagtatrabaho.
Mahalaga rin ang iyong Capacità di Risparmio, dahil isa ito sa mga batayan ng Banca upang malaman kung kaya mong bayaran ang mutuo sa mahabang panahon.
TEAMKLADHOME
Engineering intelligent of Mutuo Casa Deals Outthinking the market Executing with precision and authority