25/08/2025
Maraming tao ang nakakaranas ng mga problema, dahil hindi tayo perpekto, may mga situwasyon ang hindi natin minsan nakakayanan at kailangan natin ng tulong at mga taong handa tayong damayan. Ngunit, hindi ko kinakalimutan na sa kabila ng mga taong kasama ko, nariyan siya para lagi akong tulungan at bibigyan niya ako o tayo ng lakas para ito'y ating makayanan.
May mga situwasyon sa aking buhay bilang estudyante ang palaging nahihirapan sa mga bagay na laging bagong natutuhan, at kailangan ko lagi itong maunawaan para ito ay aking masabayan, lagi kong isinasaisip yan upang hindi ako magkamali sa bawat hakbang na maari kong gawin sa tuwing ako'y napapaharap sa iba't ibang situwasyon. Lagi akong nangangamba, natatakot, na baka ganyan, baka gan'to, kailangan ko gawin 'to, kailangan maayos ko magawa ito, mga bulong sa isip ko na parang laging may pangamba at takot sa mga sasabihin ng ibang tao.
Ngunit, sa paglipas ng panahon, unti unti kong natutuhan na ayos lang pala, ayos lang pala na minsan may mga bagay na hindi ka magaling, hindi maayos, at ayos lang makagawa ng mali, ayos lang pala na minsan kailangan mo rin humingi ng tulong, sa mga kaibigan, magulang, at ibang tao dahil may mga bagay talaga na hindi natin kontrolado. Natutuhan ko ring humingi ng tulong sa kanya, sa panalangin, upang lumakas ang loob ko at makayanan ko ang mga pagdududa sa sarili ko na gawa lang ng isip ko, at madalas na rin akong hindi nag-iisp ng mga negatibo upang maiwasan ito.
-kc