23/05/2025
Frequent Question About Lhoopa
LEHITIMONG KUMPANYA BA ANG LHOOPA?
Sa Lhoopa, trabaho namin ang may buong legalidad at integridad. Certified kami ng SEC sa Pilipinas at suportado ng mga kilalang internasyonal na organisasyon tulad ng ADB, IFC, at DFC. Kasama rin dito ang mga lokal na ahensya ng gobyerno tulad ng Pag-IBIG at NHMFC.
SINO ANG MAAARI BUMILI NG INYONG MGA BAHAY?
Lahat ng mamamayang Pilipino na makakapagbigay ng mga kinakailangang dokumento upang maging kwalipikado para sa home loan o kayang bayaran ang bahay, at kayang ibigay ang mga sumusunod na dokumento:
Valid government-issued ID
Birth Certificate
Proof of billing
Para sa loan applications, kailangan ang Pag-IBIG membership for at least 2 years. Ang mga Non-Pag-IBIG members ay maaaring mag-avail ng home loans sa pamamagitan ng NHMC, kasama ang aming assistance. Proof of income para sa loan applications.
PAANO KANSELAHIN ANG AKING RESERVATION? MAIBABALIK BA ANG RESERVATION FEE?
Upang kanselahin ang iyong reservation, maaari lamang magbigay ng sulat ng kanselasyon sa iyong broker o mag-email sa amin sa [email protected]. Paki-tandaan na ang reservation fee ay hindi maibabalik.
ANONG URI NG BAHAY ANG BINIBENTA NYO?
Ang Lhoopa ay nag-aalok ng parehong RFO (nakatayo na ang bahay) at Ground-Up (itatayo palang na bahay).
GAANO KATAGAL INAAYOS ANG MGA RFO NA BAHAY?
Ang mga RFO na bahay ay isinasa-ayos sa loob ng 30 hanggang 45 na araw.
GAANO KATAGAL KARANIWANG INAABOT BAGO MA-APPROVE ANG AKING LOAN?
Karaniwang tumatagal ng 6 hanggang 8 buwan mula sa reservation upang ma-approve ang home loan, basta't nasunod mo lahat ng mga requirements at mga dokumento, at nakipag tulungan sa inyo mga agent at sa Lhoopa sa documentation collection phase
KAILAN AKO PWEDENG LUMIPAT SA AKING BAHAY?
Maaari kang lumipat sa iyong bahay kapag na-approve na ang iyong home loan (o kung nabayaran mo na ng buo ang bahay) at kapag na-install na ang utilities (tubig at kuryente).
Pero, upang magamit ang mga utilities, kailangan mong mag-apply para sa linya sa lokal na kumpanya ng tubig at kuryente. Sa kasamaang palad, hindi namin maaaring gawin ang application para sa inyo.
Upang malaman kung sino ang nagbibigay ng serbisyo ng tubig at kuryente sa inyong lugar, maaaring makipag-usap sa iyong lokal na Lhoopa certified broker o sa inyong contractor na nag-turnover. iba-iba ang mga nagbibigay ng serbisyo ng tubig at kuryente sa bawat lugar.
PAANO ANG PROSESO NG TURNOVER?
Ang aming mga contractor partners ang namamahala sa proseso ng paglipat. Kapag na-aprubahan para sa paglipat/pag-turnover ng yunit, sila ay makikipag-ugnayan sa iyo upang ayusin ang turnover at ibigay ang mga susi.
GAANO KATAGAL ANG WARRANTY NG BAHAY?
Ang aming mga bahay ay may kasamang warranty na tumatagal mula 6 na buwan hanggang 1 taon.