17/09/2022
Mabilis napo ang biyahe papunta Alfonso
Wait nalang po natin itong CBEX
Kaya avail napo kayo ng Farm Lot sa Alfonso
Good for retirement 👍
Good for investment 👍
+639471000248
Para sa mabilis na biyahe, inaprubahan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite ang unsolicited proposal ng San Miguel Holdings Corp. na maisulong ang pagpapatayo at pagsasaayos ng Cavite-Batangas Expressway (CBEX).
Ito ay batay sa inilabas na media release ng naturang lokal na pamahalaan, kung saan layong mapabilis ang byahe sa pagitan ng dalawang probinsiya.
Madaraanan sa itatayong 27.06-kilometrong toll road ang mga bayan ng Silang, Amadeo, Tagaytay, Indang, Mendez, at Alfonso sa Cavite at Nasugbu naman sa Batangas.
Kaugnay nito, iniulat ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite na ang Private-Public Partnership (PPP) selection committee ay nagpapatuloy para sa mandatory competitive selection process ng proyekto.
Inaasahan na bukod sa mas maikling travel time ay makakatulong rin ito sa sektor ng ekonomiya, higit lalo pagdating sa larangan ng komersiyo at turismo ng dalawang probinsiya batay kay Infrawatch PH convenor Terry Ridon.
Source: Inquirer.net; Ted Cordero/GMA News
📷 DPWH