12/09/2025
2018, summer ... isang taon na hindi ko malilimutan.
Doon ko siya nakilala. Si Ian.
Tall. Maputi. May kamukhang artista, sabi nga ng iba. Pero para sa akin, hindi lang mukha ang humatak. May kung anong kuryente akong naramdaman nung una ko siyang makita.
Yung tipong tahimik ka lang pero sinasabi ng puso mo: โMagiging parte siya ng buhay mo.โ
Nagkatrabaho kami sa iisang company, magkaibang branch pero iisang may ari. Nagkaproblema ang branch nila, kaya pansamantala siyang nadestino sa amin.
Dun kami unang nagkakilala ... simple lang, small talk, pero bumukas ang isang mundo.
Ako pa naman, mahiyain. Pero siya 'yung tipo ng lalaki na lumalapit, nagtatanong, nagpaparamdam.
Pagkatapos ng ilang linggo, nawala na siya sa branch namin. Ayos na raw yung branch nila. Akala ko hanggang doon na lang.
Pero isang gabi, habang galing ako sa birthday ng suitor ko (na cowork din niya), pag-uwi ko may friend request ako ...
siya pala. Si Ian.
Doon na nagsimula ang gabi-gabi naming pag-uusap, paglabas, at bonding.
Madalas may alak ... kahit hindi talaga ako umiinom.
Pero pumayag ako, dahil gusto ko siyang makasama. Gusto ko siyang makilala. Gusto ko siyang maramdaman.
Hanggang isang gabi, hinalikan niya ako. First kiss ko yun.
Nangatog tuhod ko, literal. Hindi lang dahil sa halik ...
kundi dahil alam kong may nangyayaring hindi ko na mababawi.
Sumunod na mga gabi, naging kami na ...pero walang label.
"Wala nang tanong, basta tayo."
Naniwala ako. Hindi dahil sa sabi niya ..kundi dahil sa pakiramdam ko. Kasi pinaniwala ako ng puso ko.
Binigay ko sa kanya ang isang bagay na pinakaiingatan ko ng 26 taon ....
ang sarili ko.
Hindi ako proud sa nangyari, pero hindi ko rin ikakaila: ginawa ko 'yon dahil mahal ko siya.
At naniwala akong baka sakaling sapat na ako. Baka sakaling sa tuwing yakap niya ako, ako rin ang iniisip ng puso niya.
At sa loob ng 3 taon, naging masaya kami.
Ang dami naming napuntahan.
Ang dami naming napag-usapan.
Minsan simpleng tambay lang sa ilalim ng bituin, minsan tawanan habang kumakain ng street food, minsan iyakan sa mga problema niya sa pamilya at trabaho.
Ramdam ko talaga: ako ang tahanan niya. At siya ...ang mundo ko.
Pero 2021, unti-unti siyang nagbago.
Hindi na siya nagme-message.
Hindi na ako kinakamusta.
Nagplano pa ako ng surprise sa birthday niya. Naghanda ako. Naghintay ako buong gabi. Dumating siya ...1 AM.
Wala man lang "thank you." Wala man lang "sorry." Wala man lang pagtingin.
Tinanong ko siya:
"May problema ba tayo?"
"Pagod lang ako sa trabaho." ..yun lang ang sagot niya.
Hanggang sa isang gabi, isang litrato ang pinadala sa akin ng cowork ko.
Si Ian. May kasamang babae. Magkainuman. Magkadikit.
/
At ang pinakamasakit? Alam ng babaeng โyon na kami.
/
Sinundo ako ng cowork ko. Kinompronta ko siya, umiiyak.
"Bakit mo ako niloko?"
"Bakit, kulang ba โyung binigay ko?"
"Bakit yung buong ako, hindi pa sapat?"
Ang sagot niya:
"Wala akong dapat ipaliwanag."
Kinabukasan, pinatawag niya ako sa favorite spot namin. Sabi niya mag-uusap daw kami.
Umasa akong aayusin niya. Umasa akong pipiliin pa rin niya ako.
Pero hindi.
Pinaiyak niya lang ako ulit.
Nagmakaawa ako.
Umiiyak ako sa harap niya.
Sinabi ko, โAyusin natin, please. Babalik pa ba tayo?โ
Pero wala na. Ayaw na niya.
Simple lang ang saktan ka ng taong wala nang puso ...pero mahirap tanggapin kapag mahal mo pa rin.
At akala ko yun na ang pinakamasakit...
Hanggang nalaman ko: kinasal na sila.
Oo, si Ian at yung babaeng โyon.
May anak na sila. Isa
At ako?
Ako โyung iniwan, ginamit, nilamon ng pangako, at ibinaon ng katahimikan.
Ako โyung minahal niya nang saglit, pero tinapon niya habang buo pa akong umaasa.
Alam ko, sasabihin ng iba: โPatawarin mo na. Move on.โ
Pero hindi ganun kadali kapag ang katawan moโt puso mo'y biniyak nang sabay.
Kaya ngayon, habang binubuo ko ulit ang sarili ko, isa lang ang panalangin ko:
Sana hindi na muli mangyari sa iba ang nangyari sa akin.
Sana kung magmahal kayo, wag niyong gawing "pahinga" ang taong umaasa na "pamilya" kayo sa hinaharap.
At sana, kung hindi niyo na mahal ...sabihin niyo. Wag niyong hayaang mamatay sa katahimikan ang taong buong-buo ang pagmamahal.
At ngayon, hindi ko pa kayang sabihing โokay na ako.โ
Pero kaya ko nang sabihing
โHindi na ako babalik sa panahong nilamon ako ng taong hindi marunong magmahal nang totoo.โ
-- Anne
do not re upload,