06/03/2023
Source: Pagibig housing loan
FUN TIPS 🏠
- Kung mapapansin, habang nagbabayad tayo ng amortization, kada buwan ay lumiliit ang napupunta sa interest at lumalaki naman ang sa Principal. Ito ay dahil sa tinatawag na Diminishing Balance kung saan nakadepende ang iyong interest sa laki ng iyong Principal.
- Pwede ba magbayad sa Principal ng diretso?
PWEDENG PWEDE!! isa ito sa pinakamagandang features ng housing loan ni Pag-IBIG na sa ibang mga bangko ay merong kapalit na fee kapag ikaw ay magbabayad directly sa principal.
Una, kailangan ay advance ng isang buwan ang bayad mong amortization. Sasabihin mo sa frontline desk ni Pag-IBIG na magbabayad ka directly to Principal. Bibigyan ka ng order form na nakalagay APPLY TO PRINCIPAL at saka ka magbabayad sa cashier.
Kailangan ay sa Pag-IBIG mismo magbayad dahil naka specify dapat na Apply to Principal. Walang ganitong features sa bayad center, gcash or iba pang payment facility. Ang default na bayad ay palaging maaapply as amortization. Ang sobra din na bayad sa monthly amortization ay mapupunta para sa susunod na buwan at hindi sa principal.
Kailangan din ay bayad mo na ang iyong Unpaid Amortization from Bayanihan 1 and 2 bago mag-apply to Principal.
- Kung magbabayad directly to Principal, kailangan ay bayad muna ang monthly amortization. Hindi maaari kapag may past due.
, kung magbabayad ka sa principal ng 100,000 kada may Christmas bonus ka, matatapos mo na ang loan within 5 years dahil 635,000 lang ang Principal.
- 30 YEARS TERM KO, MAS MAGANDA BA NA PAIKLIAN PARA HINDI AKO MALUGI SA INTEREST?
Mas maganda ang 30 years term na loan. Dahil mas mababa ang amortization nito. Kung may pera ka, maaari mong bayaran directly ang Principal para hindi na umabot ng 30 years. Kung nagipit at nagkaroon ng financial problem, at least nasa pinakamababa ang iyong monthly amortization.
, kapag tinapos mo ang 18 years na term na pagbabayad monthly ng amortization, ikaw ay maglalabas ng total of 1,147,534.56 (amort x 18 years).
Ito ay okay lang kung talagang sapat lang ang kinikita mo kada buwan. Yes malaki ang binayad mo sa interest pero yun naman talaga ang purpose kaya ka nanghiram, dahil hindi pa kaya na bayaran in full ang iyong tahanan.
NGUNIT! Kung ikaw ay kumikita ng malaki at may kakayanan naman na bayaran ang iyong Principal, ngunit hindi mo ito ginagawa dahil kuripot ka, ay decision mo na ito 😁.
Ang pagkuha ng housing loan ay nababagay para sa mga nagsisimula ng pamilya. Dahil bago pa lang kayo sa inyong trabaho at maliit ang kita, ikaw ay magloloan ng maximum of 30 years para maliit ang iyong babayaran monthly. PERO hindi mo papangarapin na tapusin ang 30 years! Ang goal mo, after 10 years ay dapat stable na ang iyong work at napromote ka na, at saka mo na babayaran in full ang iyong bahay. Ganun po ang ideal na scenario para sa isang may housing loan.
Kung kaya na ng ating financial capacity, bayaran na ng buo ang loan. Bakit mo pa patatagalin? Kung dipa kaya ngayon, magbabayad muna tayo ng interest. Which is okay kasi nanghihiram tayo ng pera ng ibang miyembro.
Maging financially-wise po tayong lahat sa pagpaplano ng ating housing loan.
Paano nga ba ang proseso ng pagkuha ng sariling bahay? Lalo na thru Pagibig Housing Loan. Brand New or Foreclosed.
Makakatulong 'to. Basahin mo to friend. 😊
🔎🔎THINGS TO KNOW WHEN BUYING A HOUSE!!!🔍🔍
📌 Budget - magkano ba kaya mong monthly? Kung magkano lang kaya mo doon ka mag-umpisa tumingin.
📌 Location - consider mo pa rin ang budget mo. Kung mura lang siguradong malayo sa Manila yan. Five (5) million na po pataas presyo ng Townhouse in QC, Marikina and nearby Metro Manila like Antipolo City, Cainta, Taytay Rizal, San Pedro, Laguna and Bacoor Cavite.
📌 Required Monthly Salary - Check mo na kaagad kung magkano sweldo mo kase doon sa rate lang magbabase kung magkano monthly pwede mo kunin! (pwede combined salary ninyo mag-asawa o family)
📌 Marital Status - laging tandaan ang legalities kapag kasal ka sa papel kahit na hiwalay kayo sa mata ng batas conjugal property padin ang lahat ng pagmamayari ninyo at need na ng Cenomar from PSA.
Common Questions:
1. Saan po ba may mura?
⏩ Sa Bulacan, Cavite, Batangas or Pampanga, Rizal (pailan ilan nlng)
2. May Rent To Own po ba kayo?
⏩ wala naman talagang rent to own. Maglalabas ka rin ng pera sa Equity or Downpayment at yung remaining pwede na maloan sa pagibig at magmomonthly ka nalang sa pagibig kaya parang rent to own ang labas.
3. May Lipat Agad po ba kayo?
⏩ kung kaya mo magbayad ng cash maaring makalipat ka agad.
⏩ kung installment hihintayin muna matapos Downpayment pagbayad na saka palang maprocess sa pagibig na usually 3-6months. (pwede mo bayaran ng cash ang Downpayment para maprocess agad sa pagibig)
4. Kelan pwede makalipat?
⏩ kung na release (NOA) na ng pagibig o bank ang housing loan mo.
5. Ano ang Pre-selling?
⏩ ibig sabihin nito itatayo palang ang bahay mo, usually 3-4 yrs turn over sa mga affordable or low cost housing. Ang maganda nito mura pa ang price ng bahay kase wala pang development (30-40% cheaper vs RFO). Maari mo din bayaran pa ng installment ang Downpayment or Equity.
6. Ano ang Equity?
⏩ ito ay same lang ng Downpayment at required mong bayaran bago pwede maloan sa pagibig.
HOW TO AVAIL:
1. Join our free tripping (message mo ko para makapagsched tayo)
2. Choose a unit after tripping and pag may nagustuhan ka, reserve mo na agad para d na makuha ng iba (pay the reservation fee)
Initial Requirements:
-2 Valid ID(SSS, Company, TIN, Passport, PRC, etc.)
-One month latest payslip(buong buwan )
3. 30 days after reservation the downpayment will start
4. Submit the remaining requirements within 30days from reservation.
5. after downpayment wait for Pagibig processing 3-4months before the start of Monthly Amortization.
Buyer's Requirements:
STANDARD REQUIREMENTS
-Marriage Certificate/Birth Certificate/CENOMAR
-2pcs. 1x1 and 2x2 Pictures
-Proof of Billing Address
-Cedula
-TIN
FOR LOCALLY EMPLOYED
-ITR
-Original and Notarized Certificate of Employement with Compensation(COEC)
-Payslip for the last 3 months
FOR SELF-EMPLOYED
-Bussiness Registration(DTI/SEC)
-Mayor's Permit
-ITR for the last 2 years
-Original Audited Financial Statement (CTC from BIR)
-Franchise/OR/CR for TAXI/JEEPNEY/BUS OPERATORS
-PTR( for practicing professionals )
-Certificate of Engagement
-Brgy. Clearance
FOR OFW
-Original Certificate of Employment with Compensation(Consularized)
-Photocopy of Contract of Employment
-Photocopy of Passport (with entries)
-Photocopy of Seaman's Book
-Proof of Remittances and SPA ( with consular seal if notarized.