21/07/2025
PAALALA PARA SA PUBLIKO ⚠️
Ayon sa ulat mula sa WawaJVCo, umabot na sa Full Supply Level (FSL) ang Upper Wawa Dam ngayong araw. Dahil dito, tuluy-tuloy na ang pag-agos ng tubig palabas ng dam.
Water Level Monitoring (Upper Wawa Dam)
8:00 AM – 134.65 masl
11:00 AM – 134.92 masl
1:00 PM – 135.10 masl (spilling)
3:00 PM – 135.58 masl (spilling)
5:00 PM – 135.69 masl (spilling)
🔄 Spilling rate (river inflow): ~190 cms
(FSL/Overflow Level: 135.00 masl)
Ang Upper Wawa Dam ay konektado sa Marikina River pati na rin sa floodgates ng Manggahan Floodway.
Bagama’t ang Upper Wawa Dam ay isang water impounding facility, nakatutulong ito upang ma-delay ang pagbaha sa mga komunidad sa downstream. Ngunit dahil napuno na ito, natural lamang ang pag-apaw ng tubig kaya inaasahan ang pagtaas ng tubig sa mga nabanggit na ilog.
Inaabisuhan ang mga residente sa mabababang lugar, partikular sa mga bayan ng San Mateo, Montalban (Rodriguez), Taytay, at Cainta, na malapit sa mga ilog at sa Marikina River, na manatiling alerto at handa sa posibleng pagbaha.
Bagama’t seryoso ang banta ng sitwasyong ito, hindi kailangang mag-panic. Maging kalmado, makinig sa inyong Barangay o DRRMO, at sumunod sa mga abiso. Iwasan ang pagpapakalat ng fake news upang hindi makapagdulot ng hindi kinakailangang takot.
Patuloy ang pagbabantay at pag-alalay ng inyong Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal para sa kaligtasan ng bawat Rizalenyo.
🙏 Ingat po tayong lahat, mga kababayan.