16/10/2022
THE OFFICE CO-WORKER
NI HILDA M. METIN
Bukas ng bente-kwatro ora ang gasolinahan namin.at katulad
din ng iba pang 24-hour business establishments.
pang-gabi na naman ang schedule ko, 'ika nga sa show ni kuya
Germs, 'walang tulugan! Pero dahil matagal nako sa trabaho
kong ito ay nasanay na rin ako. Minsan pa nga kapag walang himahalili sa akin ay nag-i-straight ako ng duty hanggang alas dos ng hapon. Si Mr. Workaholic, ' yun madalas na tukso sakin ng mga kasamahan ko.
Nang gabing iyon ay kasabay ko sa shift ang team leader namin na se ma'am Ana.
Bata pa si ma'am Ana, Bente dos lamang siya. Sa katunayan ay mas hamak matanda panga ako sa kanya. at bagaman mas matagal at nauna ako sa kaysa sa kanya magtrabaho sa gasoline station namin ay siya ang aming supervisor dahil na rin sa tapos siya ng kolehiyo at ako ay hindi. Gayunpaman ay siya ang pinaka-close ko sa lahat ng supervisor namin
Dahil madalang ang customer kapag ganoong 3rd shift lalo na
pagsapit ng madaling araw ay madalas kaming magkakuwentuhan dalawa.
Karaniwan nang paksa ng aming kuwentuhan ay ang pagiging
pakitain niya.
bata pa lamang daw siya ay madalas na siyang pakitaan at paramdaman ng multo at ibat-ibang nilalang.
"buti, Ma'am 'si ka natatakot?" tanong kopa sa kanya.
Nagkibit-balikat siya.'Natatakot sin. Lalo na kapag biglaan o kaya
nakakatakot ang 'yung itsura nila. pero nasanay na rin ako, e!'
Mag-aalas-singko y medya nang matapos kaming
magkuwentuhan. Nagpaalam na siya at may gagawin pa siya sa loob ng office.
sakto namang dumating ang kahalili ko kaya ginawa ko ang proper turn-over at umuwi na. pagpasuk ko kinagabihan muli na naman daw nakaramdam ng kakaibang karanasan si ma'am Ana.
Ayon sa kanya, katatapos lang daw naming magkuwentuhan nu'n at nagpaalam na nga siya sa akin para mag punta ng office.
Pagpasok daw niya sa loob ng office, nakita niyang nakaupo sa
harap ng personal computer si Sir. Mark, and isa pa sa apat naming team leader.
"Ang aga mo, a. Ang layo pa kaya ng alas siyete," biro daw niya dito. Alas siyete kasi ang oras ng pasok nito.
hindi daw kumibo si Sir. Mark, Ang ginawa daw ni Ma'am Ana ay
naupo sa isang table na kaharap nito at nagpatuloy ng pagkukwento dito.
Maya-maya ay nagpaalam si Ma'am Ana na lalabas sandali para
pumunta sa wash room.
Paglabas niya sa office ay laking gulat niya nang maabutan sa counter si Sir Mark at kinakausap 'yung ka-crew ko na humalili sa akin. "Ano' ng ginagawa mo rito?" takang tanong raw niya.
"Ano pa, e , di papasok pa lang ," natatawang sabi ni Sir. Mark.
Kinilabutan daw si Ma'am Ana. Sino 'yung kasama niya sa loob ng OFFICE??