12/03/2025
: REAL ESTATE REAL TALK 😉
✅ As of now, wala ng tituladong lupa na mabibili within Bacolod na below 1K or 3K per sqm lang ang presyo. Kung meron man, suntok sa buwan yun or tinatawag na sacrifice sale from its private owner (yun ay kung meron) dahil ang presyo na yan ay 5 years ago pa.
✅ Kung gusto mo ng mura, then consider the zonal value, location and development. Mas malapit sa city, mas mahal.
✅ Daang libo o milyones ang halaga ng property, kaya sana kapag hiningan kayo ng valid IDs at ibang requirements, wag na po makipagtalo. No requirements, no reservation. Katulad lang din sa school yan NO ID, NO ENTRY.
✅ Wala pong sapilitan ang pagkuha. Kung nalalayuan kayo, it's fine, understandable naman pero wag po ipagpilitan na hanapan kayo ng mura sa prime areas at kalapit na city nito.
✅ Kung wala kang pangcash-out na malaki at hindi ka rin naman nagmamadali na makalipat agad, consider the preselling offer.
✅ Ayaw ng preselling kasi matagal pero ayaw din naman ng RFO kasi mahal. Sa kakahanap mo ng mura taon taon inabot ka na ng 3 years wala ka pa ding nakita. Marami kang time sa paghahanap ng mura pero wala kang tiyaga mag-antay sa preselling. Kung ang ginugol mong 3 years sa paghahanap pa rin ng mura ay nireserve mo na sa preselling, malamang naturn-over na sana ang bahay sayo. Hindi developer ang mag aadjust sayo, kundi ikaw. Taon-taon tumataas ang market value at presyo.
✅ “Don’t wait to buy real estate, buy real estate and wait.” Sa ganitong mantra siguradong tutubo ang pinaghirapan mong pera. Remember, WAITING is the highest interest rate.
Ito ay isang PAALALA lamang, REAL TALK at HINDI SALES TALK. 😇 ctto