26/06/2022
📣 𝐀𝐍𝐍𝐎𝐔𝐍𝐂𝐄𝐌𝐄𝐍𝐓 📣
👉👉 𝟐𝟔 𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟐𝟎𝟐𝟐👈👈
Mga minamahal naming miyembro ng KVHOA, nais po naming mag bigay ng impormasyon sa pansamantalang pag tigil ng pag-issue ng Official Receipt sa kadahilanang nag Expire na po ang 32 booklets na mayroon tayo na naimprenta noong January 2022.
Para sa kaalaman at impormasyon ng nakakarami, ang 𝙊𝙧𝙞𝙜𝙞𝙣𝙖𝙡 𝙍𝙚𝙘𝙚𝙞𝙥𝙩 ay isang pampiblikong dokumento na controlado ng BIR at ito ay may 𝙫𝙖𝙡𝙞𝙙𝙞𝙩𝙮 𝙥𝙚𝙧𝙞𝙤𝙙 𝙣𝙖 5 𝙩𝙖𝙤𝙣 𝙨𝙞𝙢𝙪𝙡𝙖 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙠𝙖𝙠𝙖-𝙞𝙨𝙨𝙪𝙚 𝙣𝙜 “𝘼𝙪𝙩𝙝𝙤𝙧𝙞𝙩𝙮 𝙩𝙤 𝙋𝙧𝙞𝙣𝙩” (ATP) na inaaply sa BIR. Ang pag iissue ng expired na resibo ay kaukulang penalty. Sa ngayon po ang validity ng ATP natin ay June 21, 2017 to June 21, 2022 lamang.
Bilang pansamantala, alternatibong paraan, kami po ay mag issue ng 𝘼𝙘𝙠𝙣𝙤𝙬𝙡𝙚𝙙𝙜𝙚𝙢𝙚𝙣𝙩 𝙍𝙚𝙘𝙚𝙞𝙥𝙩 kung nais ninyong mag bayad ng inyong HOA Dues. Kami po ay nagtakda ng controladong proseo sa pag mmanage ng ma-issue na Acknowledgement Receipt :
1. Officer-of-the-Day/ BOD / Officers na makakatanggap ng payment ay mag gagawa ng 2 kopya ng controladong form para sa (1) Payee; (2)KVHAI Office.
2. Ilalagda ang nabayaran sa isang Record Book at ito ay pipirmahan ng Payor para sa karagdagang record at ito din ang magsisilbing record na nailagda at natanggap ang bayad para sa isang transaction.
3. I-aacount ang lahat ng mga nai-issue na Acknowledgement Receipt para mabigyan ng Official Receipt base sa transaction, Acknowledgement Receipt, at Record Logbook.
4. Itatabi ng Payor ang acknowledgement receipt at ito ay ibabalik kapag nai-issue na ang official receipt.
Note: Aabutin po ng 2-3 weeks ang pag aayos ng Authority to Print sa BIR at pag i-imprenta ng bago at valid na resibo.
Humihingi po kami ng pacencya at pang unawa. Maraming salamat po.
𝙆𝙑𝙃𝘼𝙄 𝙊𝙛𝙛𝙞𝙘𝙚𝙧𝙨