16/05/2026
Ipinahayag ng United States Trade and Development Agency ang suporta nito sa planong pagtatayo ng bagong internasyonal na paliparan sa Cavite, na layong palakasin ang koneksyon sa transportasyon sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Aprobado na ang pondo para sa pagsasagawa ng feasibility study ng panukalang Sangley Point International Airport, na inaasahang makakatulong sa pag-decongest ng Ninoy Aquino International Airport at maging pangunahing international gateway ng bansa.
Ayon sa USTDA, ipinagkaloob ang grant sa Philippine project developer na Cavitex Holdings Inc., na pumili naman sa California-based na SAP Group LLC para magsagawa ng pag-aaral.
Layunin ng proyekto na mapabuti ang kapasidad ng paliparan para sa pasahero at kargamento, pati na rin mapalakas ang seguridad at modernong sistema ng operasyon. Bahagi rin ito ng mas malawak na Luzon Economic Corridor na naglalayong palakasin ang konektibidad at ekonomiya sa rehiyon.
Ayon sa USTDA, makatutulong ang proyekto sa pagtugon sa lumalaking demand sa biyahe at patuloy na pagsisikip ng mga paliparan sa Metro Manila.
News source: Philstar