02/05/2025
π£ππ§π¨ππ’π¬ π‘π π£ππ-ππ¦ππ‘π¦π’ π‘π πππ§πππ‘
Sa patuloy na pag-asenso ng ating lalawigan, patuloy din po ang mga pagkilalang ating natatanggap.
Isa na po rito ang ulat ng Philippine Statistics Authority para sa taong 2023 kung saan ang Bataan ang nangungunang probinsya sa buong bansa pagdating sa Gross Domestic Product (GDP) per capita. Isang malinaw na patunay ito ng paglago ng ating lokal na ekonomiya at ng pag-angat ng kabuhayan ng bawat BataeΓ±o.
Bukod pa po rito, simula pa noong 2014 ay kinikilala na po tayo ng Bureau of Local Government Finance (BLGF) dahil sa mataas na locally sourced revenue ng Pamahalaang Panlalawigan na siya nating ginagamit para sa ibaβt ibang programa at proyektong pangkaunlaran. Dahil sa sunod-sunod na pagkilala, itinanghal na po tayo bilang Hall of Fame awardee ng BLGF.
Ang mga tagumpay at pagkilala pong ito ay bunga ng ating pagkakaisa, malasakit, sipag, at pagtutulungan kayaβt maraming salamat po sa inyong patuloy na tiwala at suporta. Sama-sama po nating itaguyod ang mas maunlad, mas masigla, at mas matatag na 1Bataan.