25/05/2026
Soon at Camaya Coast 🛥️🛥️🛥️
𝐄𝐥𝐞𝐜𝐭𝐫𝐢𝐜 𝐅𝐞𝐫𝐫𝐢𝐞𝐬 𝐬𝐚 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧? 𝐂𝐚𝐧𝐝𝐞𝐥𝐚 𝐒𝐰𝐞𝐝𝐢𝐬𝐡 𝐄𝐥𝐞𝐜𝐭𝐫𝐢𝐜 𝐁𝐨𝐚𝐭 𝐅𝐢𝐫𝐦 𝐏𝐨𝐬𝐢𝐛𝐥𝐞𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐠 𝐎𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐞 𝐒𝐚 𝐋𝐚𝐥𝐚𝐰𝐢𝐠𝐚𝐧
Swedish Electric Boat Firm Candela, Nakipagpulong para sa Posibleng Modernong Sea Transport sa Bataan
Nakipagpulong ang mga kinatawan ng Candela, isang Swedish electric boat company, sa ilang opisyal at stakeholders sa Bataan upang talakayin ang mga makabagong teknolohiya sa electric marine transportation at ang posibleng benepisyo nito sa lalawigan.
Pinangunahan ni Mr. Björn Antonsson, Regional CEO Asia-Pacific (APAC) ng Candela, ang pulong kasama sina Cong. Abet Garcia, Bataan 2nd District Representative, Antonio Joseph “Jopet” Rivera Inton, Chairman and President, Bataan Baseco Joint Venture Inc. at Mr. Goody Ilagan Jr. President and CEO of Earth and Shore Leisure Communities Corp, upang pag-usapan ang mga oportunidad ng modernong transportasyong pandagat sa Bataan.
Kilala ang Candela sa paggawa ng hydrofoiling electric boats at ferries na gumagamit ng teknolohiyang nakababawas umano ng hanggang 80% sa energy consumption, habang nagbibigay ng mas mabilis, mas tahimik, at zero-emission na biyahe sa dagat.
Kabilang sa mga tinalakay ang P-12 Shuttle, na kinikilala bilang kauna-unahang electric commuter vessel sa mundo, at ang C-8 model, isa sa mga pinakamabilis at may mahabang range sa mga electric boats ngayon.
Layunin umano ng inisyatibang ito na tuklasin ang mga modernong transport solutions na maaaring makatulong sa turismo, konektibidad, at sustainable development sa Bataan.