03/02/2024
"STORY TIME KUNG PAANO KAMI NAGSIMULA 💚"
Way back 2017 the first ever project na ginawa namin na may bayad. Magbabarkada kami at the same time magkakaklase as Agriculture Students. Senior High school, Nagsimula lahat sa pagsali nung dalawa kong kabarkada sa landscaping contest. Pinanlalaban sila ng school namin pagdating sa landscaping at dahil siguro malapit kami sa amoy at pagsalat talaga ng lupa eh nananalo sila laban sa ibang school. Nagkaron pa ng pagkakataon na local landscaping contest ng school eh nagkalaban laban pa kaming magkakaibigan, pero siyempre sila pa din ung nanalo XD. At yun yung naging simula ng paguusap namin at pagtatanong sa isat-isa na "Bakit di kaya natin subukan?, minsan sa buhay ganun talaga siguro no kailangan mo lang subukan kahit natatakot ka :) .
Naghanap kami ng posibleng pwedeng magpagawa ng garden o magpatanim sa bakuran. Nagkataon na ung amo ng kaibigan ko eh gustong magpatanim sa puntod ng kamaganak nila, siyempre kailangan din namin ng extra (alam niyo yan mga students 😉) dahil nagaaral pa kami that time eh pinursue na namin na kunin kahit medyo mababa lang. Medyo may idea na kami sa mga halaman na pwedeng itanim at kung saan puwedeng bumili ng halaman, gamit namin namin noon kolong kolong pero ngayon Naka 4x4 at L300 na kami sa paghahatid ng halaman sa mga projects namin (May Lalamove na kasi 🤣) siyempre manifesting dadating kami diyan.
Di madali maglandscape, kailangan mo paganahin ung creativity mo, diskarte sa mga supplier, pisikal na lakas ng katawan (Bigat kaya ng palmera tsaka maghakot ng lupa), siyempre pakikitungo sa mga magiging kliyente namin.
Un lang muna at medyo mahaba na pero in short yan ung naging ugat ng paglalandscape namin at naging daan sa mga sumunod na proyekto namin na ipospost ko din kasunod neto.
We really appreciate your support,! ano pa hinihintay mo patanim ka na din. 😁💚