29/04/2024
'BAWAT CANCEL, RESCHEDULE NG PARCEL, BAWAS SA KITA NAMIN'
Ibinahagi ng isang delivery rider na si Jhoey Del Rosario sa kanyang Facebook post tungkol sa experience niya sa isang customer na wala umano sa kanyang bahay ng maghatid ito ng package.
Kwento ni Jhoey, hingal siyang umakyat ng 3rd floor para dalhin ang parcel kanyang customer at sinabayan ng init ng panahon ang kanyang paghihinayang nang hindi kinuha ang parcel dahil walang naiwang pambayad.
"Sa mga customer na mahilig na bumili [sa] online, sana mabasa n'yo to. Makikisuyo naman sa inyo umaga pa lang may
[text] na kame sa inyo na may dadating kayong parcel. Kung aalis kayo pakikiiwanan na ng pambayad nyo," ani ni Jhoey.
"Kung wala pa kayong siguradong pambayad sa o-orderin nyo wag muna kayo mag place order. Para maiwasan ang cancel at pa reschedule.
"Maawa kayo sa rider kung kayo nga naiinitan kahit nasa loob na ng bahay paano pa kaya kaming maghapon nasa kalsada maideliver lang ang mga parcel nyo sa inyo ng maayos kont[i]ng awa naman po para sam[i]ng mga rider" dagdag ni Jhoey.
courtesy: Jhoey Del Rosario/ Facebook