Pamela Tapan Law Office

Call Directions Contact the business

Pamela Tapan Law Office Lawyer. Real Estate Broker. Real Estate Appraiser. MPA

20/10/2026

𝐋𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠𝐚 𝐛𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐬𝐚𝐬𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐧𝐚 𝐬𝐚𝐥𝐢𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐬𝐚𝐛𝐢 𝐚𝐲 𝐦𝐚𝐢𝐭𝐮𝐭𝐮𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐧𝐚 𝐊𝐫𝐢𝐦𝐞𝐧?

15/10/2026

The En Banc, during its session today, October 14, 2026, ruled that senior citizens cannot claim an additional 20% discount on top of an existing promotional or negotiated discount.

The SC explained that when goods or services are offered at promotional prices, senior citizens may choose either the promotional discount or the 20% senior citizen discount, whichever gives them greater savings.

The ruling came as the SC acquitted Orville U. Ong (Ong), general manager of a hotel in Bacolod City, of violating the Senior Citizens Act for allegedly refusing to grant the mandatory 20% discount to hotel guests Atty. Paul S. Alcazaren, 66, and Eric Gadiana, 70.

Ong argued that the hotel had already applied a 20% discount on the room rate negotiated for the Cebu Bikers Club, of which the guests were members. The discount was not separately reflected on the official receipt because it had already been deducted from the total amount.

The Municipal Trial Court in Cities, Regional Trial Court, and Court of Appeals found Ong guilty.

The SC reversed the lower courts’ rulings, finding that the guests had already received the 20% discount through the club’s negotiated rate. The hotel was therefore not required to grant an additional 20% discount.

The SC emphasized that while the Senior Citizens Act aims to protect and support senior citizens, its implementation must also be fair and reasonable to businesses.

As the SC explained, “[t]he State’s pursuit of public welfare cannot be allowed to impose undue or confiscatory burdens on private establishments, whose continued viability is essential to the long-term effectiveness of the law.”

Read the full Press Briefer at https://sc.judiciary.gov.ph/?p=174900

Copying of this content is subject to the SC PIO’s Credit Attribution Policy: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution

09/10/2026

Inaprubahan ng 𝘌𝘯 𝘉𝘢𝘯𝘤 ng , sa sesyon nito noong Oktubre 7, 2026, ang mga pagbabago sa 𝘙𝘶𝘭𝘦𝘴 𝘰𝘧 𝘊𝘰𝘶𝘳𝘵 (A.M. No. 25-03-14-SC) tungkol sa petisyon para kilalanin ang diborsyong nadeklara sa ibang bansa, kung saan hindi na kakailanganing patunayan ng asawang Pilipino ang banyagang batas at tanging ang mismong diborsyo na lang ang kailangan patunayan.

Sa ilalim ng mga pagbabago, na magkakabisa 15 araw matapos itong mailathala sa 𝙬𝙚𝙗𝙨𝙞𝙩𝙚 ng Korte Suprema, hindi na kailangang patunayan ng mga Pilipinong asawa na naghahain ng petisyon para kilalanin ang isang diborsyong isinagawa sa ibang bansa, alinsunod sa Artikulo 26(2) ng 𝙁𝙖𝙢𝙞𝙡𝙮 𝘾𝙤𝙙𝙚, kung ano ang naaangkop na batas ng nasabing bansa. Ang kailangan na lamang nilang patunayan ay na talagang naganap ang diborsyo sa ibang bansa.

Ipinakikilala ng mga pagbabago ang Seksyon 48-A ng Rule 39, na nagtatakda ng pagpapalagay na ang diborsyong isinagawa sa ibang bansa sa pagitan ng isang Pilipino at dayuhang asawa ay nagbibigay-daan sa dayuhang asawa na muling magpakasal alinsunod sa batas ng kanyang bansa, maliban kung malinaw na nakasaad mismo sa 𝙙𝙚𝙘𝙧𝙚𝙚 ng diborsyo na ito ay isang limitadong uri lamang ng diborsyo.

Sa ilalim ng bagong tuntunin, ang panig na tumututol sa petisyon ang siyang kailangang magpatunay na hindi ganap ang diborsyo.

Ipinapalagay rin sa bagong tuntunin na tama at tumpak ang salin sa Ingles ng isang dokumento ng diborsiyo mula sa ibang bansa, basta’t pinanunumpaan ng tagapagsalin na ito ay wasto at tumpak.

Maaaring pabulaanan ang mga pagpapalagay na ito sa pamamagitan ng salungat na ebidensiya, alinsunod sa Seksyon 3 ng Rule 131.

Gayunman, hindi pinapalitan ng mga pagbabagong ito ang umiiral na legal na balangkas. Kinakailangan pa rin ang paghahain ng petisyon para sa 𝙟𝙪𝙙𝙞𝙘𝙞𝙖𝙡 𝙧𝙚𝙘𝙤𝙜𝙣𝙞𝙩𝙞𝙤𝙣 ng isang diborsiyong ipinagkaloob sa ibang bansa, at nananatiling pareho ang mga kahingiang itinatadhana sa Artikulo 26(2) ng 𝙁𝙖𝙢𝙞𝙡𝙮 𝘾𝙤𝙙𝙚.

Maaari pa ring tutulan ang pagkilala sa diborsiyong ipinagkaloob sa ibang bansa batay sa mga kadahilanan gaya ng kawalan ng hurisdiksiyon, kakulangan ng pabatid, panlilinlang, o malinaw na pagkakamali sa batas o sa mga pangyayari.

Inaprubahan ang mga pagbabagong ito batay sa rekomendasyon ni Kasangguning Mahistrado Alfredo Benjamin S. Caguioa, at matapos makipag-ugnayan kina Kasangguning Mahistrado Amy C. Lazaro-Javier at Jhosep Y. Lopez, gayundin sa Sub-Technical Working Group on the Concerns of Overseas Working Filipinos Regarding the Recognition of Foreign Divorce Decrees/Reports (Sub-TWG).

Sa pamamagitan ng mga pagbabagong ito, layunin ng Korte Suprema na alisin ang mga hindi nararapat na balakid at gawing mas madali para sa mga Pilipino ang pagtamasa ng kanilang mga karapatang itinatadhana ng batas.

Basahin ang kabuuang 𝙋𝙧𝙚𝙨𝙨 𝘽𝙧𝙞𝙚𝙛𝙚𝙧 sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=174621.

Ang buong teksto ng 𝙀𝙣 𝘽𝙖𝙣𝙘 𝙍𝙚𝙨𝙤𝙡𝙪𝙩𝙞𝙤𝙣 ng Korte Suprema, A.M. No. 25-03-14-SC, ay ipapaskil sa 𝙬𝙚𝙗𝙨𝙞𝙩𝙚 ng Korte Suprema sa sandaling ito ay maging available.

Sumunod sa 𝘾𝙧𝙚𝙙𝙞𝙩 𝘼𝙩𝙩𝙧𝙞𝙗𝙪𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙋𝙤𝙡𝙞𝙘𝙮 ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


𝐃𝐀𝐏𝐀𝐓, 𝐓𝐀𝐏𝐀𝐓!
06/10/2026

𝐃𝐀𝐏𝐀𝐓, 𝐓𝐀𝐏𝐀𝐓!

Pinagtibay ng ang pagkansela sa life insurance policy ng isang lalaki dahil sa hindi niya pagsisiwalat ng mahahalagang impormasyon tungkol sa kanyang kondisyong medikal. Muli nitong binigyang-diin na hindi kinakailangang patunayan na sinadya niyang linlangin ang insurer.

Sa Desisyong isinulat ni Associate Justice Japar B. Dimaampao, isinantabi ng En Banc ng Korte Suprema ang petisyon ng Heirs of Indalicio Monera (mga tagapagmana) at ang kanilang reklamo laban sa Manila Bankers Life Insurance Corporation (MB Life) at Meycauayan Rural Bank, Inc. (Meycauyan Bank).

Kumuha ng pautang (loan) si Indalicio Monera (Monera) sa Meycauayan Bank. Ginarantiyahan ang ilan sa pautang ng isang mortgage sa isang lupain at isang group credit life insurance policy na inisyu ng MB Life. Sa ilalim ng policy, ibibigay sa bangko ang insurance proceeds kung pumanaw si Monera.

Nang mag-apply si Monera para sa isa pang credit life insurance policy, pumirma siya sa isang health declaration kung saan idineklara niyang hindi siya nagkasakit nang pitong magkakasunod na araw o higit pa at hindi siya nagpakonsulta sa doktor para sa anumang karamdaman sa nakalipas na limang taon.

Wala pang isang buwan matapos makuha ang ikalawang policy, namatay si Monera. Nang dumating ang pagbabayad ng kanyang mga pautang, naghain ng claim ang Meycauyan Bank sa MB Life. Tinanggihan ito ng insurer matapos nitong malaman na bago mag-apply para sa policy, sumailalim si Monera sa isang procedure para alisin ang isang bukol at na-diagnose siyang may kanser na kumalat sa bahagi malapit sa kanyang kanang balagat (collarbone).

Sa pagsantabi ng Korte Suprema sa petisyon ng mga tagapagmana, sinabi nito na pinahihintulutan ng Insurance Code ang isang insurer na kanselahin ang insurance policy kapag hindi isiniwalat ng aplikante ang mahalagang impormasyon, sinadya man o hindi. Itinuturing na mahalaga ang isang impormasyon kung maaari itong makaapekto sa desisyon ng insurer na mag-isyu ng policy.

Sa kasong ito, hindi isiniwalat ni Monera na sumailalim siya sa operasyon, nagpakonsulta sa mga doktor, at na-diagnose na may kanser, kahit iba ang kanyang idineklara sa health declaration form.

Ipinaliwanag ng Korte Suprema na mahalaga ang hindi pagsisiwalat ni Monera ng kanyang tunay na kalagayan sa kalusugan dahil makaaapekto ito sa pagsusuri ng MB Life sa kanyang insurance application, kabilang kung aaprubahan ba nito ang aplikasyon at kung sa anong mga kondisyon.

Nilinaw din nito na hindi kailangang patunayan ng mga insurer na nilayon ng insured na linlangin sila.

Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=174351.

Basahin ang Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=168794

Basahin ang Dissenting Opinion ni Senior Associate Marvic M.V.F. Leonen sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=172227

Basahin ang Separate Concurring Opinion ni Associate Justice Ramon Paul L. Hernando sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=172230

Basahin ang Separate Concurring Opinion ni Associate Justice Jhosep Y. Lopez sa https://sc.judiciary.gov.ph/?p=172233

Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.


02/10/2026
⚖️ 𝐖𝐄’𝐑𝐄 𝐇𝐈𝐑𝐈𝐍𝐆: 𝟐 𝐀𝐒𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐓𝐄 𝐋𝐀𝐖𝐘𝐄𝐑𝐒We are looking for two (2) Associate Lawyers to join our growing legal team.𝙌𝙪𝙖𝙡𝙞𝙛𝙞𝙘...
29/09/2026

⚖️ 𝐖𝐄’𝐑𝐄 𝐇𝐈𝐑𝐈𝐍𝐆: 𝟐 𝐀𝐒𝐒𝐎𝐂𝐈𝐀𝐓𝐄 𝐋𝐀𝐖𝐘𝐄𝐑𝐒

We are looking for two (2) Associate Lawyers to join our growing legal team.

𝙌𝙪𝙖𝙡𝙞𝙛𝙞𝙘𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣𝙨:
• Philippine Bar passer and admitted to the practice of law
• Strong legal research and writing skills
• Good communication and analytical skills
• Detail-oriented, organized, and responsible
• Willing to learn and work collaboratively
• Prior legal experience is an advantage, but not required

𝙒𝙝𝙖𝙩 𝙮𝙤𝙪’𝙡𝙡 𝙙𝙤:
• Conduct legal research and prepare legal documents
• Assist in handling cases and legal matters
• Draft pleadings, contracts, opinions, and other legal documents
• Attend hearings, meetings, and client consultations as needed
• Work closely with the legal team on assigned matters

Send your CV/resume and application to [email protected]

*Newly admitted lawyers are encouraged to apply.

𝐂𝐨𝐧𝐠𝐫𝐚𝐭𝐮𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬, 𝐁𝐚𝐫 𝐄𝐱𝐚𝐦𝐢𝐧𝐞𝐞𝐬!Rest for now, tomorrow, you will surely fight. -FOR JUSTICE--FOR THE RIGHT OF THE PEOPLE-...
14/09/2026

𝐂𝐨𝐧𝐠𝐫𝐚𝐭𝐮𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬, 𝐁𝐚𝐫 𝐄𝐱𝐚𝐦𝐢𝐧𝐞𝐞𝐬!
Rest for now, tomorrow, you will surely fight.
-FOR JUSTICE-
-FOR THE RIGHT OF THE PEOPLE-
-FOR THEIR FREEDOM-
-FOR WHAT IS RIGHT-
-FOR WHAT IS GOOD-

𝓗𝓪𝓹𝓹𝔂𝔂 𝓑𝓲𝓻𝓽𝓱𝓭𝓪𝔂, 𝓢𝓲𝓻 𝓝𝓲𝓬𝓸🎈🎂🎉🎁𝐓𝐨𝐝𝐚𝐲, 𝐰𝐞 𝐜𝐞𝐥𝐞𝐛𝐫𝐚𝐭𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐝𝐚𝐲 𝐨𝐟 𝐨𝐮𝐫 𝐂𝐎𝐎𝐋𝐄𝐒𝐓 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐋𝐄𝐆𝐀𝐋!Thank you for keeping all the details,...
14/09/2026

𝓗𝓪𝓹𝓹𝔂𝔂 𝓑𝓲𝓻𝓽𝓱𝓭𝓪𝔂, 𝓢𝓲𝓻 𝓝𝓲𝓬𝓸🎈🎂🎉🎁

𝐓𝐨𝐝𝐚𝐲, 𝐰𝐞 𝐜𝐞𝐥𝐞𝐛𝐫𝐚𝐭𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐝𝐚𝐲 𝐨𝐟 𝐨𝐮𝐫 𝐂𝐎𝐎𝐋𝐄𝐒𝐓 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐋𝐄𝐆𝐀𝐋!

Thank you for keeping all the details, and for being the person who somehow makes everything look manageable, even when it absolutely isn’t.

You’re truly an invaluable part of the team, and we’re truly grateful for everything you do.

Here’s to another year of keeping us organized, keeping us sane, and occasionally keeping us out of trouble! 🥂⚖️🎁🎉🎈

‼️𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐍𝐀 𝐊𝐀𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐀𝐑 𝐂𝐋𝐄𝐀𝐑𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐋𝐈𝐋𝐈𝐏𝐀𝐓 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆 𝐌𝐀𝐌𝐀𝐘-𝐀𝐑𝐈 𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐈𝐁𝐀𝐃𝐎𝐍𝐆 𝐀𝐆𝐑𝐈𝐂𝐔𝐋𝐓𝐔𝐑𝐀𝐋 𝐋𝐀𝐍𝐃‼️Ayon sa Department...
11/09/2026

‼️𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐍𝐀 𝐊𝐀𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐃𝐀𝐑 𝐂𝐋𝐄𝐀𝐑𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐋𝐈𝐋𝐈𝐏𝐀𝐓 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆 𝐌𝐀𝐌𝐀𝐘-𝐀𝐑𝐈 𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐈𝐁𝐀𝐃𝐎𝐍𝐆 𝐀𝐆𝐑𝐈𝐂𝐔𝐋𝐓𝐔𝐑𝐀𝐋 𝐋𝐀𝐍𝐃‼️

Ayon sa Department of Justice (DOJ), wala nang legal na batayan ang pag-require ng DAR Land Transfer Clearance (LTC) para sa paglilipat ng pribadong agricultural land.

𝐀𝐧𝐠 𝐩𝐨𝐬𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐢𝐭𝐨 𝐧𝐠 𝐃𝐎𝐉 𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐬𝐮𝐧𝐬𝐞𝐭 𝐜𝐥𝐚𝐮𝐬𝐞 𝐧𝐠 𝐑.𝐀. 𝐍𝐨. 𝟔𝟔𝟓𝟕, 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐫𝐞𝐡𝐞𝐧𝐬𝐢𝐯𝐞 𝐀𝐠𝐫𝐚𝐫𝐢𝐚𝐧 𝐑𝐞𝐟𝐨𝐫𝐦 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦 (𝐂𝐀𝐑𝐏) 𝐚𝐲 𝐭𝐮𝐦𝐢𝐠𝐢𝐥 𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐞𝐩𝐞𝐤𝐭𝐢𝐛𝐨 𝐧𝐨𝐨𝐧𝐠 𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟑𝟎, 𝟐𝟎𝟏𝟒.

Dahil dito, ayon sa DOJ, ang mga probisyon ng R.A. No. 6657, kabilang ang retention limits sa pagmamay-ari ng lupa ay tumigil na rin sa pagiging epektibo at naging functus officio.

Higit sa lahat, malinaw ang punto ng DOJ:

Ang mga requirement na ipinapataw sa landowner batay sa R.A. No. 6657, kabilang ang pagkuha ng Land Transfer Clearance (LTC) bago mailipat ang pribadong agricultural land sa ilalim ng DAR Administrative Order No. 04, Series of 2021, ay wala nang legal na batayan.

📍 Spotted: Atty. Pam Tapan at the iconic Sydney Opera House after a fruitful client meeting.From boardrooms to global la...
10/06/2026

📍 Spotted: Atty. Pam Tapan at the iconic Sydney Opera House after a fruitful client meeting.

From boardrooms to global landmarks, she continues to make things happen with dedication, excellence, and unwavering commitment. Unstoppable and always ready to stand up for what matters most—your rights.

Address

2nd Floor, Tapan Bldg. , Ibayo
Balanga
2100

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5:15am

Telephone

+639085354563

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pamela Tapan Law Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Pamela Tapan Law Office:

Shortcuts

Share

Nearby realtors & realty services